^

PM Sports

Malaking pakunsuwelo naghihintay sa Pick Six

Pang-masa

MANILA, Philippines – Kahit pa tila kakaunti ang mga entries sa ating karera ay hindi palalampasin ng bayang karerista ang gabing ito sa Metro Turf, Batangas.

May malaking pakunsuwelo ang mga mananaya sa nabiting carry over na P372,910.23 sa pick six na magsisimula sa ika-7:30 ng gabi hanggang sa pagtatapos ng mga kaganapan pasado 10:00 ng gabi.

Ang manipis na line-up na naihanda ng handicapping office ay dahil na rin sa pagbibigay daan sa kabilang karerahan sa kanilang mas malaking mga pakarera sa araw ng Sabado at Linggo. Kaya, ibayong pag-aaral ang gagawin ng mga karerista para maka-kurot man lang sa panalo.

Sa unang bahagi ng pick six ay handicap-2. Ang Saint Tropez na papatungan ni R.B. Baylon ang siyang angat rito dahil sa panalo nito sa nakaraang takbo at malaki ang tsansa na makaulit ito.

Ang ipinalalagay na kalabang King Rick ay nanggaling sa barrier at kailangang makapag-paremate nang maayos para maabutan ang sprinter na Saint Tropez.

Magsisilbi ring mini-stakes race ang nakahanay sa ikaapat na karera dahil ito ang pinaka-mataas na grupong nakahanda sa programa.

Ang mga entries dito ay Dream Lover, Security Mo-del, That Is Mine, Icon, Love To Death at Cat’s Silver.

Gagabayan ng ipinalalagay na mahusay na apprentice jockey na si M.M. Gonzales ang Cat’s Silver na siyang napipisil na magbibigay ng magandang laban sa magiging paboritong Icon na papatnubayan naman ng class-A rider na si J.T. Zarate.

Maaari namang makasilat ang iba pang kalahok na katulad ng imported runner galing Australia na Love To Death at si J.B. Hernandez pa ang magdadala gayundin naman ang sprinter na Security Model na re-rendahan naman ni K.B. Abobo.

Magiging paborito rin ang Pag Ukol Bubukol na sasakyan ni Pat Dilema.

Pero malakas rin ang pag-asa para makasilat alinman sa Honeywhere’smypants, Yes Yes Yes, Coron Island, Benny The Waiter, Yes Pogi, Carriedo at Kor-nati Islands.

Balikatan naman ang unang karera dahil na rin sa mga kalahok na sinasabing kung “sino raw ang maganda ang tulog” ay siyang nakalalamang. (JM)

ANG

ANG SAINT TROPEZ

BENNY THE WAITER

CORON ISLAND

DREAM LOVER

KING RICK

LOVE TO DEATH

METRO TURF

MGA

PAG UKOL BUBUKOL

PAT DILEMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with