2nd Pasay-The Travel City race fest lalarga ngayon
MANILA, Philippines – Ngayong Linggo na ang pinakahihintay na 2nd “Pasay – The Travel City” Racing Festival na may malalaking papremyo at tiyak na exciting na mga karera sa MetroTurf sa Malvar-Tanauan, Batangas.
Inaasahang papatok sa mga karerista ang pakarera ng Metro Manila Turf Club para sa Pasay City na nga-yon ay nagdiriwang ng kanilang ika-152 anibersaryo.
Mahigit P3-million ang nakatayang paglabanan sa 13 exciting races sa maghapon – dalawa rito ay ang centerpiece event na 2nd Pasay – The Travel City Cup at 2nd Pasay City Mayor Tony Calixto Cup.
Tumataginting na P700,000 bawat isa ang nakataya sa Cup races na ito kung saan ang magkakampeon ay parehong tatanggap ng first prize na P420,000 bawat isa. Ang segundo’y bibigyan ng P157,500 habang ang tersero’t quarto nama’y magkakaroon ng P87,500 at P35,000, ayon sa pagkakasunod.
Narito ang mga deklaradong kasali:
• 2nd PASAY – THE TRAVEL CITY CUP (1,600 meters) : Don Albertini (Quaker Ridge-Bumper To Bumper) ni Atty. Narciso Morales; Silver Sword (Ready’s Imagine-Skirmish Point) ni Henedino Gianan; Strong Champion (Stromberg Carlson-Mine Counter) ni Divina Dy; Eugenie (Stratum-Crystal Event) ng SC Stockfarm Inc.; Lucky Nine (Northern Meteor-Sienna Gold) ni Lamberto Almeda Jr.; Basic Instinct (Deputy Bodman-Magical Mark) ni Mayor Manny Alvarez; at Be Humble (Quaker Ridge-She’s No Princess) ni Ruben Dimacuha.
• 2nd PASAY CITY MAYOR TONY CALIXTO (1,200 meters) : Garlimax (Jazz Club – Tennis Player) ni Abet Alvina; Show The Whip (Manhattan – Shadow Grove) ni Erwin Dy; He He He (Keep Laughing – Cleft) ni Ferdinand Eusebio; Guatemala (Kangoo – Western City) ni Felizardo Sevilla at Spectrum (Golden Pharaoh-Celestial) ni Atty. Narciso Morales.
Tiyak na matutuwa ang mga racing aficionados sa suporta ng 11 Trophy Races na naka-lineup sa maghapong karera. Ang mga ito’y may guaranteed prize na P150,000 at isang magarang tropeo.
Malaki ang pasasalamat ni Pasay City Mayor Tony Calixto kay MMTC Chairman at President Dr. Norberto Quisumbing dahil sa pagbibigay ng isang malaking pakarerang tulad nito sa kanyang lungsod na ngayo’y isa nang “Premiere Travel City” sa bansa.
“Ako’y labis na natutuwa dahil sa ganda at balansyadong line-up ng mga karera ngayong Linggo na tiyak na dadagsain ng mga racing aficionados at lalaki ang benta para na rin sa benepisyo ng mga major players ng industriya,” sabi ni Mayor Calixto.
Ang mga mananalong sota (grooms) ay bibigyan din ni Mayor Calixto ng isang sakong bigas bawat isa.
Ang unang karera’y pasisimulan sa alas-2 ng hapon pero bubuksan ng MMTC ang lahat ng kanilang mga off-track betting stations (OTBs) sa ganap na alas-12 ng tanghali.
- Latest