^

PM Sports

PLDT amoy na ang V-League title

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nang mabi­gong ma­kakuha ng pro­duk­syon sa kanilang da­la­wang im­ports ay umasa ang PLDT Home Ultera kay Alyssa Valdez at sa mga local players para kunin ang come-from-behind 16-25, 20-25, 26-24, 29-27, 18-16 win laban sa Army sa Game One para makalapit sa pagsikwat sa korona ng Shakey’s V-League Season 12-Reinforced Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Tumapos si Valdez, na­sa kanyang unang la­ro sa conference, na may match-best na 25 hits, kasama ang 22 kills para sa 1-0 benta­he ng Ultrafast Hitters sa kanilang best-of-three title duel ng Lady Troopers.

Inamin ni coach Ro­ger Gorayeb na mala­king bagay ang pagla­larong muli ni Valdez sa PLDT laban sa Army.

“She’s an integral part of this team and she showed it in this game,” wi­ka ni Gorayeb sa Open at Collegiate Con­fe­rences Most Valuable Pla­yer.

Nauna nang binigo ng Ultrafast Hitters ang Lady Troopers sa finals ng nakaraang Open Con­ference noong Ma­yo.

May pagkakataon si­lang walisin ang serye sa Game Two sa Dis­yembre 6.

Kung magtatabla sa 1-1 ay itatakda ang ‘winner-take’all match sa Disyembre 13.

Nalimita naman sina American imports Victoria Hurtt at Sareea Freeman sa pinagsamang 13 points at hindi na ginamit ni Gorayeb sa huling dalawang sets.

Nagdagdag si Gret­chel Sol­tones, ang NCAA MVP, ng 12 points para sa PLDT.

ACIRC

ALYSSA VALDEZ

ANG

COLLEGIATE CON

GAME ONE

GAME TWO

GORAYEB

HOME ULTERA

LADY TROOPERS

SHY

ULTRAFAST HITTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with