Ang pagbabalik ni Durant
SALT LAKE CITY – Ipinakita ni Oklahoma City star Kevin Durant na kumpleto na ang kanyang pagbabalik mula sa hamstring injury matapos kumamada ng 27 points at 6 rebounds sa 111-89 panalo ng Thunder laban sa Utah Jazz.
Tumipa si Durant ng 10-for-13 fieldgoal shooting matapos magkaroon ng injury noong Nov. 10 sa Washington.
Nabigo naman si Russell Westbrook na mailista ang kanyang ikatlong triple-double ngayong season nang kumolekta ng 20 points, 7 rebounds at 9 assists.
Kumamada ang Thunder sa second quarter sa paghakot ng 40 points kumpara sa 26 ng Jazz sa kanilang 14-for-19 fieldgoal shooting.
Pinamunuan ni Gordon Hayward ang Jazz sa kanyang 19 points, habang kumolekta si Derrick Favors ng 11 points, 7 rebounds at 2 blocks kasunod ang 10 markers ni Rudy Gobert.
Sa Cleveland, nakasama si LeBron James kay Oscar Robertson sa isang eksklusibong NBA list, habang tumipa si Kevin Love ng season-high na 35 points para ihatid ang Cleveland Cavaliers sa 117-103 panalo laban sa Orlando Magic.
Humakot si James ng 15 points at 13 assists para makahanay si Robertson bilang mga natatanging players sa league history na napabilang sa top 25 sa career points at assists.
Sa kanyang fifth assist ay nalampasan ni James si Norm Nixon (6,386) para sa 25th place at makapantay si Robertson, tinapos ang kanyang Hall of Fame career na may 26,710 points at 9,887 assists.
Malapit nang malampasan ni James si Ro-bertson sa scoring total at inaasahang malalampasan din niya ito sa assist. Nagdagdag si J.R. Smith ng season-high na 26. points.
- Latest