Foton Tornadoes nakaganti sa Philips Gold Lady Slammers
MANILA, Philippines – Naipaghiganti ng Foton Tornadoes ang five-set pagkatalo sa Philips Gold Lady Slammers sa unang tunggalian sa kumbinsidong 25-14, 25-22, 18-25, 25-18, panalo sa pagbabalik ng laro sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix volleyball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Ang 6’4” spiker na si Jaja Santiago ay mayroong 18 puntos mula sa 11 kills, 4 aces at 3 blocks habang tig-17 puntos ang ginawa ng kanilang mga imports na sina Kathleen Messing at Lindsay Stalzer upang maisulong din ang winning streak sa tatlo tungo sa 4-3 baraha.
Si Stalzer ay may mahinang hit na nasundan ng isang service ace para sa tatlong sunod na puntos matapos ang 14-all iskor sa fourth set.
Hindi na pinaba-ngon pa ng Tornadoes ang Lady Slammers at si Santiago ay may tatlong puntos sa huling walong itinala at tinapos niya ang magandang laro sa pamamagitan ng service ace.
“Mahalaga itong panalo dahil naghahabol kami ng slot sa next round. It’s a big morale-booster for us,” wika ni Foton coach Villet Ponce de Leon.
Si Bojana Todorovic ay tumapos taglay ang 14 puntos habang sina Alexis Olgard at Myla Pablo ay naghatid pa ng 13 at 10 puntos.
Pero ang tatlong ito ay nagtala ng mga errors nang rumatsada ang Foton at ang attack error ni Pablo ang nagbigay ng matchpoint sa Tornadoes at hindi na ito pinakawalan pa ni Santiago sa kanyang ikaapat na ace sa laro.
Ang pagkatalo ang tumapos sa apat na sunod na panalo ng Phi-lips Gold pero nananatili silang nasa ikatlong puwesto sa taglay na 4-2 baraha.
- Latest