^

PM Sports

‘Big Men’s Camp’ sisimulan ni coach Turo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakdang simulan ni Olympian Arturo Valenzona, sa pamamagitan ng isang foundation na ipinangalan sa kanya at mga kaibigan niya sa basketball, ang paghahanap sa mga malalaking players sa Sabado sa Paraiso Ng Batang Maynila covered court sa tapat ng Manila Zoo sa Adriatico St. sa Ermita.

Higit sa 200 bata na karamihan ay mula sa Maynila na may edad 8-anyos hanggang 18-anyos ang inaasahang lalahok sa clinic na tinawag ni Valenzona na ‘Big Men’s Camp’.

Ang clinic na idaraos tuwing Sabado at Linggo ay libre sa mga bata.

“Actually, the project is a basketball clinic for grassroot level for kids, pe­ro mag­kakaroon ng special concentration in search of tall boys which we hope to develop to play for college, then to the pro-rank para maging career nila eventually,” sabi ni Valenzona, isang dating player at isa sa dalawang Fi­lipi­no coaches na humawak sa collegiate, commercial at pro-levels.

Para sa mga interesadong sumali sa clinic ay maaaring tumawag sa 0916 443 6100, 0929 214 8234, 0922 461 6503.

 

ACIRC

ADRIATICO ST.

ANG

BIG MEN

ERMITA

HIGIT

MANILA ZOO

OLYMPIAN ARTURO VALENZONA

PARAISO NG BATANG MAYNILA

SABADO

VALENZONA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with