San Miguel gusting maka-2 sunod na panalo
MANILA, Philippines - Sa kanilang unang laro sa pagtatanggol sa PBA Philippine Cup noong Sabado sa Davao City ay walang nakitang pagbabago si coach Leo Austria sa laro ng kanyang Beermen kontra sa Globalport Batang Pier.
“I think ‘yung experience namin from last season, nadala namin this conference,” wika ni Austria matapos ang 97-86 panalo ng San Miguel laban sa Globalport.
Target ang kanilang ikalawang sunod na panalo para makasosyo sa liderato, lalabanan ng Beermen ang Meralco Bolts ngayong alas-7 ng gabi matapos ang salpukan ng NLEX at Barako Bull sa alas-4:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.
Muling aasahan ng San Miguel sina back-to-back PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo, Alex Cabagnot, Arwind Santos at Marcio Lassiter.
Sa panalo ng Beermen sa Batang Pier ay kumamada ang 6-fot-10 na si Fajardo ng 21 points, 17 rebounds at 3 shotblocks habang nagdagdag ng 19 markers si Cabagnot kasunod ang 11 ni Santos at tig-10 nina Lassiter at Gabby Espinas.
Ipaparada naman ng Bolts ni one-time PBA Grand Slam champion mentor Norman Black si dating Talk ‘N Text at Gilas Pilipinas playmaker Jimmy Alapag.
Kagaya ng San Miguel, hangad din ng NLEX ang kanilang ikalawang dikit na panalo sa pagsagupa sa Barako Bull, itatampok si Gilas Pilipinas guard JC Intal.
Umiskor ang Road Warriors ng 90-86 panalo laban sa Blackwater Elite noong Oktubre 23 kung saan kumolekta ang 42-anyos na si Fil-Tongan Asi Taulava ng 19 points.
- Latest