UST gustong makasiguro ng Final 4 slot vs Ateneo
MANILA, Philippines – Ilagay ang sarili sa Final Four ang nais ng UST Tigers sa pagharap sa Ateneo Eagles sa 78th UAAP men’s basketball ngayon sa Smart Araneta Coliseum.
Kapantay sa itaas ng team standings ng Tigers ang FEU Tamaraws sa 8-1 karta at ang makukuhang panalo sa larong mapapanood dakong alas-4 ng hapon ay sapat na para makapasok sa semifinals sa unang pagkakataon sa pangalawang taon ni coach Segundo dela Cruz sa bench.
Paiinitin pa ng nagdedelikadong National University Bulldogs ang kampan-ya para mapanatili ang hawak na titulo laban sa nangungulelat na Adamson Falcons sa unang laro sa ganap na ika-2 ng hapon.
May 3-6 baraha ang NU at kasalo ang UP Maroons at UE Warriors sa ikalima hanggang ikapitong puwesto.
Tatlong sunod na sumadsad ang Bulldogs at kailangan na maibalik ang matatalim na pangil dahil sa 1-8 karta ay may katiting na tsansa pa silang uma-bot ng Final Four kung wawalisin ang natitirang limang asignatura.
Galing ang UST sa 65-57 panalo sa Bulldogs upang maipaghiganti rin ang natatanging dungis sa kanilang baraha.
“Our goal is to make it to the Final Four but it’s still long way to go. We still have to keep improving in every game,” wika ni Dela Cruz.
Ang magandang pagtutulungan ng starters at bench ang kailangang lumabas uli dahil ang Eagles ay nagbabalak na palakasin ang kapit sa ikatlong puwesto kung magwagi sa laban.
Sina Kiefer Ravena at Von Pessu-mal ang mga kakamada para sa Eagles na maglalaro ng wala ang bench player na si 6’3’ John Apacible.
Suspindido ang second year player ng limang laro matapos kumalat sa kanyang video na lasing na lasing at nagwawala sa Timog Ave., Quezon City.
Makakabalik lamang si Apacible sa koponan kung umabot sila sa Final Four. (AT)
- Latest