^

PM Sports

Manila North sibak sa Novi Sad; tumapos sa 6th place sa FIBA 3x3

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sadyang hindi kaya ng Manila North na resbakan ang Novi Sad Al Wahda.

Sinibak ng nagdedepensang Novi Sad ang Ma­nila North, 21-13, sa quar­terfinals ng FIBA 3x3 World Tour sa Abu Dhabi.

Tumapos ang Manila North, binubuo nina Calvin Abueva, Terrence Romeo, Vic Manuel at Karl De­hesa, sa ikaanim na pu­westo sa nasabing 12-team tournament.

Tinanggap ng kopo­nan ang konsolasyong US$8,000.

Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na ti­nalo ng Novi Sad ang Ma­nila North matapos kunin ang 21-14 panalo sa finals ng torneo sa Manila leg no­ong Agosto.

Matapos talunin ang Trbovlje ng Slovenia sa se­mifinals ay giniba naman ng Novi Sad ang Kranj ng Slovenia, 17-14, sa finals para angkinin ang korona.

Nakamit ng Novi Sad ang premyong US$30,000 at ibi­nulsa ng Kranj ang US$20,000.

Ang pumangatlong NY Harlem ay tu­manggap ng $16,000, habang ang pumang-apat na Trbovlje ay nakakuha ng $12,000 ka­sunod ang Ljubljana ng Slovenia ($10,000).

ABU DHABI

ACIRC

ANG

CALVIN ABUEVA

KARL DE

KRANJ

MANILA NORTH

NOVI SAD

NOVI SAD AL WAHDA

SHY

SLOVENIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with