^

PM Sports

Petron Blaze Spikers sinilat ang Iran

Pang-masa

PHU LY, Vietnam – Ginulat ng malakas at mas preparadong Petron ang Islamic Azad University ng Iran, 25-8, 25-16, 25-23 para manatiling palaban sa 2015 AVC Asian Women’s Club Volleyball Championship noong Lunes ng gabi sa Ha Nam Competition Hall dito.

Naging mainit ang Blaze Spikers para tapusin ang laban kontra sa Iranians sa loob lamang ng isang oras at 12 minuto upang tuluyang makapasok sa win column sa torneong nagsisilbing qualifier para sa FIVB World Women’s Club Championship sa susunod na taon.

Nakuha na ni Brazilian reinforcement Rupia Inck Furtado ang kanyang laro sa pakikipagtulungan kay Dindin Manabat upang makaiskor ng sunud-sunod laban sa Iranians na nagdomina sa Iranian Super League.

Bumawi si Furtado sa kanyang nakakadismayang performance kontra sa 4.25 Sports Club ng North Korea sa pagtatala ng 6 kills, four blocks at isang ace para sa 11 points habang nagtala naman si Manabat ng 10 kills at 5 blocks para sa 15 points.

Kalaban kagabi ng Blaze Spikers ang Hisamitsu Seikayu Springs ng Japan-- isang elite squad na nanalo ng Asian crown nitong huling dalawang sunod na taon.

Magsisimula ang laban sa alas-9:00 ng umaga (Manila time) kung saan pinapaboran ang mga Japanese  matapos ang 25-10, 25-15, 25-12 panalo kontra sa 4.25 Sports Club na pambawi sa kanilang five-set loss sa Zhejiang ng China sa Pool B kamakalawa.

vuukle comment

ANG

ASIAN WOMEN

BLAZE SPIKERS

CLUB CHAMPIONSHIP

CLUB VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP

DINDIN MANABAT

HA NAM COMPETITION HALL

HISAMITSU SEIKAYU SPRINGS

IRANIAN SUPER LEAGUE

ISLAMIC AZAD UNIVERSITY

SPORTS CLUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with