^

PM Sports

Blazers dumalawa sa Thunder

Pang-masa

PORTLAND, Ore. — Bumira si Deni Avdija ng 28 points, habang may 18 markers si Damian Lillard sa 118-108 paggiba ng Trail Blazers kontra sa Oklahoma City Thunder.

Nagdagdag si center Donovan Clingan ng 12 rebounds at tatlong blocks at may 19 markers si Jrue Holiday.

Kinumpleto ng Portland (8-3) ang two-game sweep sa Oklahoma City (8-4) sa kanilang duwelo ngayong season.

Pinamunuan ni Shai Gilgeous-Alexander ang Thunder sa kanyang 31 points, kasama ang 23 sa second half, habang kumolekta si Isaiah Hartenstein ng 20 points at 11 rebounds.

Inilista ng Blazers ang isang 12-point lead sa third quarter bago naiwanan sa 88-90 sa pagsisimula ng fourth period.

Sa Chicago, nagkadena si Victor Wembanyama ng 32 points, siyam na rebounds at limang blocks at naglista si Fil-Am Dylan Harper ng 18 points, 10 assists at apat na steals sa 124-119 pagresbak ng San Antonio Spurs sa Bulls.

Bumalikwas ang San Antonio (10-2) mula sa isang 22-point deficit para i­poste ang ika-10 sunod na ratsada.

Laglag ang Chicago (1-9) sa pang-walong dikit na kamalasan.

Sa iba pang laro, panalo ang Indiana Pacers sa Washington Wizards, 114-101; tinusok ng Cleveland Cavaliers ang New York Knicks, 115-107; wagi ang Boston Celtics sa Toronto Raptors, 98-93; tinalo ng Denver Nuggets ang Memphis Grizzlies, 123-118; at tinambakan ng Brooklyn Nets ang New Orleans Pelicans, 145-111.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with