^

PM Sports

Kiamco 7 pang Pinoy pasok sa KO stage

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi nagpahuli sina Warren Kiamco at Oliver Mendenilla sa mga kasamahang umabante sa knockout round nang maipanalo ang mga laban sa loser’s side sa pagtatapos kahapon ng World 9-Ball Championship Group eliminations sa Al Arabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Kinalos ni Kiamco si Shannon Ducharme ng Canada, 9-6  habang tinalo ni Mendenilla si Vegar Kristansen ng Norway, 9-6, para pangunahan ang loser’s side sa Group 5.

Lumabas din ang ga-ling ni Johann Chua nang pagpahingahin na si Chang Jun-lin ng Chinese Taipei, 9-6 sa Group 6 para magkaroon ng walong pambato ang Pilipinas sa Last 64.

Nauna rito, limang Filipino cue-artists ang mga umabante  sa knock-out round nang hindi natatalo sa kanilang grupo.

Ang World 8-ball at SEA Games champion  na si Dennis Orcollo ay nanaig kay Hosain Sayeem ng Bangladesh, 9-6 sa Group 13; si Carlo Biado ay wagi kay Daniele Corrieri ng Italy sa Group 8; si Antonio Gabica ay nangibabaw kay Sinha Fahim ng Bangladesh, 9-6 sa Group 16; si Jeffrey Ignacio ay nanalo kay Jason Klatt ng Canada, 9-6 sa Group 15 at si Raymund Faraon ay wagi kay Pordel Mohammadali ng Iran, 9-4.

Puwede pang maging siyam ang maghahangad ng kampeonato mula sa Pilipinas dahil si Lee Van Corteza ay lumalaban pa kontra kay Tom Teriault ng Canada sa losers side sa Group 7. (AT)

AL ARABI SPORTS CLUB

ANG

ANG WORLD

ANTONIO GABICA

BALL CHAMPIONSHIP GROUP

CARLO BIADO

CHANG JUN

CHINESE TAIPEI

DANIELE CORRIERI

DENNIS ORCOLLO

GROUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with