^

PM Sports

‘Yaya Dub’ hindi makikita sa opening ng PBA

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi pa ito ang tamang panahon para pumarada si ‘Yaya Dub’, Maine Mendoza sa tunay na buhay, sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang sinabi ni Malou Choa-Fagar ng TAPE Inc., ang producer ng long-time no. 1 noontime show na Eat Bulaga, ukol sa interes ng Barangay Ginebra ni two-time Grand Slam coach Tim Cone at ng Mahindra (dating Kia) ni playing coach Manny Pacquiao na kunin si Mendoza bilang muse sa opening ceremony ng 41st season ng Philippine Basketball Association sa Oktubre 18 sa Big Dome.

Dinagsa ang social media ng kahilingan ng mga Gi­nebra fans na hiramin ang ‘Dubsmash Queen’ para maging muse.

“Siyempre, mas maganda kung makukuha namin siya as muse kasi maraming tao ang natutuwa sa kan­ya,” sabi ni Gin Kings’ point guard LA Tenorio sa 20-anyos na tubong Sta. Maria, Bulacan.

Kung sakali sana ay si Tenorio ang makakatambal ni Mendoza sa pagparada sa PBA opening.

Inamin naman ni Pacquiao na palagi niyang napa­panood si Mendoza, kumuha ng kursong Culinary Arts sa College o St. Benilde, sa telebisyon.

“Napapanood ko ‘yung Aldub, masaya,” sabi ng Fi­lipino world eight-division champion sa tambalan ni­na Mendoza at actor Alden Richards sa ‘Kalyeserye;’ ng Eat Bulaga.

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BARANGAY GINEBRA

BIG DOME

CULINARY ARTS

DUBSMASH QUEEN

EAT BULAGA

GIN KINGS

GRAND SLAM

MENDOZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with