Seryosong training ang gagawin ni Cray para sa Rio Olympics
MANILA, Philippines - Para mapaghandaan nang husto ang 2016 Rio Olympics ay balak sumali ni Fil-Ame-rican runner Eric Cray sa 19 na torneo mula ngayon hanggang sa susunod na Agosto.
Dalawang torneo ang nakalinya sa 27-an-yos na si Cray na kauna-unahang atleta ng Pilipinas na pasok na sa Rio Olympics sa larangan ng 400m hurdles.
Nasa Beijing, China siya ngayon para sumali sa World Athletics Championships mula Agosto 22 hanggang 30 at sa Setyembre 6 hanggang 9 ay tutulak sa Thailand para sa Thai Open.
Sa susunod na taon ay 17 kompetisyon ang kanyang sasabakan at walo rito ay sa Europa, tig-apat sa US at Asia at isa sa Qatar.
“Sinulatan na ni POC president Jose Cojuangco Jr. si PSC chairman Ricardo Garcia para iendorse ang mga hinihingi ni Cray para mapaghandaan ang Olympics,” wika ni Romy Magat, ang Philta secretary-general na siyang nangangasiwa sa panga-ngailangan ng athletics sa Olympics.
Idinagdag pa ni Magat na aprubado na sa POC ang hininging supplemental budget ni Cray na nasa $36,410.00 (halos P1.5 million) para sa 2015 habang nasa $66,330.00 ang hinihingi niya bilang budget sa 2016.
- Latest