Timberwolves’ star guard bibisita sa bansa
MANILA, Philippines – Nakatakdang bumisita sa bansa si Minnesota Timberwolves’ point guard Ricky Rubio ngayong buwan bilang bahagi ng kanyang two-country tour.
“Happy to announce that I will be on an International Tour this August visiting the Philippines and Dubai,” sabi ni Rubio sa kanyang Twitter account @rickyrubio9.
Darating sa bansa si Rubio, isang Spaniard na nahugot ng Timberwolves bilang No. 5 overall noong 2009 NBA Draft, sa Agosto 20 bilang isang Adidas model bago dumiretso sa Dubai sa Agosto 24 bilang special guest ng Basicball Academy Summer Camp.
Ngayon pa lamang ay nasasabik na ang 24-anyos na si Rubio.
“Bucket list: visit Philippines,” wika ni Rubio sa kanyang Twitter account na may 1.76 million followers.
Bagama’t na-draft noong 2009, naglaro lamang si Rubio sa NBA noong 2011 at sa kanyang four-year span ay nagtala siya ng mga averages na 10.2 points, 8.2 assists, 4.3 rebounds at 2.3 steals sa 202 games.
Bilang isang 15-anyos, naglista si Rubio ng 51 points, 24 rebounds, 12 assists at 7.0 steals para igiya ang Spain sa 110-106 overtime victory laban sa Russia sa finals ng FIBA Europe Under-16 Championship siyam na taon na ang nakakaraan.
Darating din sa bansa ngayong buwan sina Denver Nuggets’ star Kenneth ‘The Manimal’ Faried at San Antonio Spurs’ guard Danny Green para sa promosyon ng NBA 3X Philippines 2015 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
- Latest





















