^

PM Sports

Salud inaksiyunan agad ang panawagan ni Guiao

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa kanyang post game interview matapos ang kanilang 99-86 panalo sa Meralco noong Martes ay nanawagan si Rain or Shine coach Yeng Guiao kay PBA Commissioner Chito Salud na pagbutihin ang paghawak ng mga referees sa laro.

Kaagad naman itong inaksyunan ni Salud.

Kahapon ay pinatawan ni Salud si referee Art Herrera ng five-game ban dahil sa nagawa nitong “error in judgment” nang bawiin ang isinalpak na three-point shot ni Gabe Norwood ng Elasto Painters sa gitna ng fourth quarter.

“Referee Art Herrera has been suspended for five game days (one week with no pay) for an error in mechanics and judgment in changing a call in Game One of the semifinal series,” sabi ni Salud sa kanyang official statement.

Hawak ng Rain or Shine ang 87-78 abante sa gitna ng fourth quarter nang ikonekta ni Norwood ang kanyang tres bago tumunog ang kanilang 24-second shot clock.

Nagpulong ang mga referees na sina Herrera, Emy Tankion at Jun Marabe matapos magreklamo si Meralco coach Norman Black.

Matapos kumonsulta sa mga table officials ay binawi ni Herrera ang nasabing triple ni Norwood.

“It’s so obvious there was no call made. There was no whistle. Then, there’s a dead ball and then you changed the call,” sabi ni Guiao.

Nauna nang sinuspinde ni Salud ang isang referee na namahala sa quarterfinals game ng Elasto Painters at Ginebra Gin Kings.

Hindi tumawag ang referee ng 24-second shot clock laban sa Ginebra sa huling 4.9 segundo na nagresulta sa tapik ni Jeff Chan kay import Michael Dunigan para sa kanyang fastbreak layup na naglusot sa Rain or Shine, 92-91.

ACIRC

ANG

ART HERRERA

COMMISSIONER CHITO SALUD

ELASTO PAINTERS

EMY TANKION

GABE NORWOOD

GAME ONE

GINEBRA GIN KINGS

HERRERA

JEFF CHAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with