Umiinit ang Memphis; inaalat ang Portland
MEMPHIS, Tenn. – Nalasap ng Portland Trail Bla-zers ang kanilang ikaapat na sunod na kamalasan nga-yong season at malamang na mawala rin ang kanilang leading scorer na si LaMarcus Aldridge.
Tila nasa playoff mode naman na Memphis Grizzlies habang papatapos na ang regular season.
Umiskor si Jeff Green ng 23 points at may 21 markers at 9 assists si Mike Conley para pamunuan ang Grizzlies sa 97-86 panalo laban sa Trail Blazers.
Ang kabiguan ang naglaglag sa Portland ng 4-games sa likod ng Memphis para sa second seed ng Western Conference.
Iniisip ngayon ng Trail Blazers ang injury ni Aldridge.
Nagkaroon ang All-Star forward ng left hand injury sa first half at nilisan ang arena na nakabenda ang kanyang namamagang kamay.
Noong Enero ay nagkaroon si Aldridge ng left thumb injury sa kanang kamay.
Bukod kay Aldridge, tumapos na may 16 points sa first half, hindi rin nag-laro sa ikalawang sunod na pagkakataon si starter Nicolas Batum na may nananakit na likod.
“We’ve got our backs up against the wall right now,’’ sabi ni guard Damian Lillard, pinamunuan ang Trail Blazers sa kanyang 27 points at 7 assists. “Lose four tough games and now we’ve got two guys go down.’’
Nagbalik naman si Green sa Memphis starting lineup nang magkaroon si Courtney Lee ng injured right hand.
“Same confidence, same approach, just shots are starting to fall,’’ wika ni Green. “Just continuing to be aggressive and play off of (Marc Gasol and Zach Randolph).’’
Nagdagdag si Randolph ng 17 points para sa Memphis, nakamit ang kanilang ikalawang sunod na panalo, habang may 13 points si Gasol at nagtala si Tony Allen ng 10 points at 11 rebounds.
- Latest