^

PM Sports

Rockets isinalya ang Nets; Blazers tinalo ang Thunder

Pang-masa

HOUSTON – Kuma­mada si Terrence Jones ng season-high na 26 points, habang isinalpak ni James Harden ang tiebreaking free throw sa hu­ling 43 segundo kasu­nod ang isang jumper pa­ra igiya ang Houston Rockets sa 102-98 pa­na­lo laban sa Brooklyn Nets.

Tumapos si Harden, naglaro matapos mag­ka­roon ng sprained right ankle noong Miyer­ku­les, na may 4-of-15 para sa kanyang 15 points at naglista ng 12 assists pa­ra sa Rockets na may li­mang players na umiskor ng double figures.

Ito ang ikaapat na su­nod na ratsada ng Ro­ckets at tinalo ang Nets ng walong sunod sa Houston.

Tumipa sina Mason Plumlee at Deron Williams ng tig-15 points pa­ra sa Nets.

Nagtabla ang laro sa huling 43.6 segundo nang bigyan ng foul ni rookie Markel Brown si Harden para sa free throw ng huli.

Matapos ito ay ini­wa­nan ni Harden si Brown para sa kanyang stepped back jumper na nagbigay sa Rockets ng 98-95 abante.

Umiskor naman si Williams ng layup na nag­di­kit sa Nets sa 97-98 kasunod ang dala­wang free throws ni Jason Ter­ry para sa 100-97 bentahe ng Rockets.

Matapos ang split ni Joe Johnson sa hu­ling paglapit ng Brooklyn ay tumikada si Jones ng da­lawang free throws para selyuhan ang panalo ng Houston.

Sa Portland, kumo­lekta si LaMarcus Aldridge ng 29 points at 16 rebounds at niresba­kan ng Trail Blazers ang Oklahoma City Thunder, 115-112.

Nawalang saysay ang pagtatala ni Russell Westbrook ng kanyang ikatlong sunod na triple-double para sa Thunder.

Kumolekta si Westbrook ng 40 points, 13 re­bounds at 11 assists.

Siya ang unang pla­yer na nagposte ng tatlong magkasunod na triple-doubles matapos si LeBron James noong 2009.

Bumangon ang Bla­zers mula sa 15-point de­ficit sa third quarter pa­tungo sa panalo.

BROOKLYN NETS

DERON WILLIAMS

HOUSTON ROCKETS

JAMES HARDEN

JASON TER

JOE JOHNSON

MARKEL BROWN

MASON PLUMLEE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with