Sacramento kayang makipagsabayan sa Memphis
SACRAMENTO, Calif. – Tatlong technical fouls ang itinawag, isang upuan ang nasipa at nagkainitan ang dalawang big man.
Ito ang klase ng laro na gustung-gusto ng Memphis Grizzlies.
Ipinakita naman ng Sacramento Kings na kaya nilang makipagsabayan.
Umiskor si Rudy Gay ng 28 points, tumapos si DeMarcus Cousins ng 16 points at 9-rebounds at hinatak ng Kings ang 102-90 panalo kontra sa Grizzlies nitong Miyerkules ng gabi sa NBA.
“Memphis does this to everybody, and they usually win,’’ pahayag ng bagong Kings coach na si George Karl. “We had a chance to lose the game and our guys just said, ‘No.’’’
Nalampasan ni Cou-sins ang foul trouble at ang pakikipaggirian kay Grizz-lies power forward Zach Randolph sa third quarter upang pangunahan ang Sacramento sa 10-0 run sa simula ng fourth.
Nagdagdag si Cousins ng anim na assists sa loob lamang ng 24 minutes bago na-foul out upang talunin ang championship-contending team na Memphis.
Sumulong ang Kings sa 2-1 sapul nang pumasok si coach George Karl .
Nagtala si Randolph ng 20 points at five rebounds at nagdagdag si Marc Gasol ng 14 points at 7 boards sa pagkakaantala ng pag-akyat ng Memphis sa Western Conference standings.
Ipinanalo ng Grizzlies ang 16 sa 19 laro upang makalapit sa Golden State na nangunguna sa West ng apat na games.
- Latest