Anthony sasailalim sa season-ending surgery
GREENBURGH, N.Y. -- Sasailalim si New York Knicks superstar Carmelo Anthony sa season-ending surgery sa kanyang kaliwang tuhod.
Ito ang inihayag ni President of Basketball Operations Phil Jackson.
Sinabi ni Jackson na wala pang katiyakan kung kailan makakapaglarong muli si Anthony matapos ang surgery, ngunit may mga indikasyon na muli siyang magbabalik sa hard court sa loob ng apat hanggang anim na buwan para makasama sa training camp ng Knicks.
“It’s obvious that he physically can’t do the things that he’s capable of doing, so this is a necessary step for him to take, I think, in order for him to get to the level that he’s capable of getting to,” sabi ni head coach Derek Fisher.
Sa kabuuan ng season ay iniinda ni Anthony ang kanyang leg injury para matulungan ang Knicks, may league-worst na 10-43 record.
Nakapaglaro siya sa katatapos na NBA All-Star Game sa Madison Square Garden ngunit malinaw na nahihirapan sa kanyang kaliwang tuhod.
Tumapos siya na may 14 points mula sa 6-of-20 shooting.
Sinabi ni Jackson na kinausap niya si Anthony noong nakaraang buwan para sa surgery matapos maupo sa anim na sunod na laro ng Knicks.
Hindi naman nakipag-usap si Anthony sa mga reporters.
- Latest