^

PM Sports

Problema sa volleyball kailangang ayusin

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kailangang maayos agad ang problema sa liderato sa volleyball sa bansa para hindi maapektuhan ang pagsali sa malalaking kompetisyon ng women’s team.

Bukod sa SEA Games ay nakalinya rin ang bansa sa 18th Asian Women’s Volleyball Championship na gagawin sa China mula Mayo 20 hanggang 28.

Sa isinagawang draw ng mga kasaling koponan kamakalawa, ang Pilipinas ay nahanay sa Pool D kasama ang South Korea, Kazakhstan at Australia.

May 16 koponan ang maglalaban-laban sa kompetisyong gagawin sa Beijing at Tianjin at ang host China ay nasa Pool A kasama ang Iran, Fiji at India.

Ang nagdedepensang  kampeon Thailand ay nasa Pool B kasama ng Chinese Taipei, Hong Kong at Sri Lanka habang ang pumangalawa sa 2013 edisyon na Japan ang nakagrupo ng Vietnam, Mongolia at Turkmenistan sa Pool C.

Nakasali ang Pilipinas noong 2013 na ginawa sa Nakhon Ratchasima,Thailand at hinawakan ito ni coach Nes Pamilar na pinangunahan nina Aiza Maizo-Pontillas, Michelle Datuin at Angela Benting  na sinuportahan ng PLDT.

Tumapos sa ika-12 puwesto ang Pilipinas at tinalo ng koponan ang Myanmar at Sri Lanka.

Nalalagay sa alanganin ang estado ng volleyball sa ngayon dahil sa gulo sa liderato matapos magtatag ng bagong pederasyon si POC 1st Vice President Jose Romasanta na Larong Volleyball ng Pilipinas para ipalit sa Philippine Volleyball Federation (PVF).

Ngunit ipinag-utos ni POC president Jose Cojuangco Jr. na bitiwan ni Romasanta ang LVP at ibigay ito sa dating Philippine Amateur Volleyball Association head Victorico ‘Concoy’ Chavez.

Naunang nagsabi ang international federation FIVB na dapat ay magkaroon ng eleksyon ang LVP hanggang Pebrero 15 para tuluyang maibigay ang kailangang rekognisyon.

Kung hindi maisasakatuparan ito ay masususpindi ang Pilipinas bilang kasapi ng FIVB. (AT)

vuukle comment

AIZA MAIZO-PONTILLAS

ANGELA BENTING

ASIAN WOMEN

CHINESE TAIPEI

HONG KONG

JOSE COJUANGCO JR.

LARONG VOLLEYBALL

MICHELLE DATUIN

PILIPINAS

SRI LANKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with