^

PM Sports

Bumigat ang agawan sa F4 spot

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tuminding muli ang la­banan para sa mahalagang ikaapat na puwesto nang magwagi ang Natio­nal University Lady Bulldogs at ang Adamson La­­dy Falcons kahapon sa 77th UAAP women’s vol­leyball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Hindi nagpaawat ang  6-foot-4 na si Jaja San­tia­go para wakasan ng La­dy Bulldogs ang tatlong sunod na kabiguan sa se­cond round sa pamamagitan ng 25-15, 25-19, 25-15 panalo laban sa wala pang panalong UE Lady Warriors sa unang laro.

May apat na blocks at 10 kills si Santiago tungo sa 14 puntos, habang si My­la Pablo ay naghatid ng 12 puntos.

Tig-limang digs pa ang kinuha nina Santiago at Pablo, habang si­­na Jocelyn Soliven at De­­siree Dadang ay may tig-dalawang aces para ma­­kumpleto ng NU ang do­­minasyon sa UE sa 39-29 sa attacks, 11-0 sa blocks at 6-2 sa serve.

Si Angela Dacaymat ay may  11 attack points pe­­ro tahimik ang ibang ka­­samahan para bumaba pa ang talsik ng Lady War­riors sa 0-11 marka.

Sumandal ang Lady Fal­cons sa mga beterana sa ika-limang set para ku­nin ang 25-21, 25-13, 20-25, 22-25, 15-12 panalo laban sa Lady Maroons.

May 17 hits si Amanda Villanueva kasama ang 15 attacks at ang huling puntos ay ginawa para ta­pusin ang laro.

Naghatid din ng 17 hits si Mylene Paat, habang may 16 si Jessica Ga­lanza para sa Lady Falcons na binawi ang four-sets loss sa UP sa unang pagkikita para palakasin  ang paghahabol ng puwes­to sa Final Four sa 5-6 baraha.

Nasayang ang 23 pun­tos mula sa 19 kills at apat na blocks ni Angeli Araneta dahil kinapos ang tangka nilang makumpleto sa pagbangon mula sa 0-2 iskor.

Samantala, inangkin ng Ateneo Blue Eagles ang unang upuan sa Final Four sa men’s division gamit ang 25-22, 25-20, 25-18, panalo sa UP Maroons.

Ito ang ika-siyam na panalo sa 11 laro ng Ate­neo para lumapit din sa ‘twice-to-beat’ advantage sa Final Four.

Nagwagi rin ang UST Tigers sa UE Warriors, 25-15, 25-20, 25-22, para pantayan ang Adamson Falcons. (ATan)

 

vuukle comment

ADAMSON FALCONS

ADAMSON LA

AMANDA VILLANUEVA

ANGELI ARANETA

ATENEO BLUE EAGLES

FINAL FOUR

JAJA SAN

PARA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with