^

PM Sports

88 tiket para sa Visayas qualifying ng Ronda

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kabuuang 88 slots, kasama ang walo para  sa junior riders, ang na­ka­­taya sa pagdaraos ng Ronda Pilipinas 2015, ini­hahandog ng LBC, ng dalawang qualifying legs sa Visayas sa Peb­rero 11-13 at sa Luzon sa Pebrero 16-17.

Sinabi kahapon ni Jack Yabut, ang admi­nis­tration director ng Ron­da, na ang 54 spots ay ilalaan para sa three-stage Visayas qualifier, ha­bang ang 34 ay pag-aa­gawan sa two-stage Lu­zon elimination.

“Since we didn't push through with our Min­danao qualifying leg, we decided to add the slots at stake from 30 to 50 plus the top four junior riders,” sabi ni Yabut. “In Luzon, we will get 30 elite riders and four juniors.”

Ang Stage One ng Visayas ay pakakawalan sa Negros Oriental Provincial Capitol at mag­ta­tapos sa Sipalay City Plaza (172.7 kilometers pa­ra sa elite at 120.2 kms para sa juniors).

Ang Stage Two ay mag­sisimula sa Bacolod City Plaza at magtatapos sa Bacolod Government Center via Don Salvador Benedicto at San Carlos (158 kms pa­ra sa elite at 110.5 kms para sa juniors) sa Peb­rero 12, habang ang Stage Three ay bubuksan sa Negros Occidental Provincial Capitol at isasara sa Cadiz City (123 kms para sa elite at ju­niors).

Magtutungo naman ang Ronda sa Norte para Luzon qualifier.

ANG STAGE ONE

ANG STAGE TWO

BACOLOD CITY PLAZA

BACOLOD GOVERNMENT CENTER

CADIZ CITY

DON SALVADOR BENEDICTO

IN LUZON

SHY

VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with