^

PM Sports

Cavs ang pinakamainit na koponan ngayon: Matapos magwakas ang 19-game winning streak ng Hawks

Pang-masa

CLEVELAND -- Nga­­yon ay nasa double di­gits, ang winning streak ng Cavaliers ay na­nanatili at impresibo.

Ngunit hindi kay Le­Bron James.

“We haven't done any­thing,” pahayag ni James. “We haven't earned any­thing. Until we do some­thing, then we can feel good about ourselves. But we ha­ven't done anything.”

Umiskor si Kyrie Ir­ving ng 24 points, habang nagtala si James ng 18 points at 11 assists para sa ika-11 sunod na panalo ng Cavaliers sa bisa ng 97-84 paggiba sa Philadelphia 76ers.

Ito ang pinakamahabang winning streak ng Cleveland matapos ang ka­nilang franchise record na 13 noong 2010, ang huling season ni James sa Cavaliers bago lu­mipat sa Miami Heat.

Sa pagtatapos ng 19-game winning streak ng Atlanta Hawks mula sa 100-115 kabiguan sa New Orleans Pelicans, ang Cleveland ang ba­gong pinakamainit na ko­ponan ngayon sa NBA.

Nagdagdag si Kevin Love ng 15 rebounds, habang nagsalpak si Mat­thew Dellavedova ng tatlong mahalagang 3-pointers sa fourth quar­ter para sa panalo ng Cavaliers na tinam­kaban ang 76ers ng 20 points sa third period.

Ang ikalawang tres ni Dellavedova ang nag­bigay sa Cleveland ng 91-83 abante sa hu­ling 2:36 minuto para tu­luyang ipagpag ang Philadelphia.

Humakot naman si An­thony Davis, nanggaling sa isang left groin strain, ng 29 points at 13 rebounds para tulungan ang Pelicans sa pagsikwat sa kanilang ikaanim na panalo sa huling pitong laro.

Nauna nang nanalo ang New Orleans sa Dal­las at Los Angeles Clippers para sa ka­nilang 26-22 record at ma­kadikit sa Phoenix (28-22) para sa eighth place sa Western Confe­rence.

Nagdagdag si Eric Gordon ng 20 points para sa New Orleans, ha­bang may 15 markers si Tyreke Evans bukod sa pagduplika sa kanyang season high na 12 assists.

Sa Oklahoma City, naglista si Russell Westbrook ng kanyang triple-double sa season at pang-10 sa kanyang career para tulungan ang Thunder sa 104-97 panalo laban sa Orlando Magic.

Naglaro ang Oklahoma City nang wala ang may injury na si Kevin Durant.

Nagtala si Westbrook ng 25 points, 14 assists at 11 rebounds.

“It was a special game for him,’’ sabi ni Thun­der coach Scott Brooks kay Westbrook. “He was attacking, he was making plays, guys were making shots for him and he was rebounding the ball.’’

Nagdagdag si Dion Waiters ng 24 points, habang may 16 markers si Serge Ibaka para sa Oklahoma City.

Dahil sa panalo ay ti­napos ng Thunder ang ka­nilang naunang dalawang sunod na kamalasan.

ATLANTA HAWKS

BRON JAMES

DELLAVEDOVA

DION WAITERS

NAGDAGDAG

NEW ORLEANS

OKLAHOMA CITY

PARA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with