Rubio makakalaro na para sa Timberwolves
MINNEAPOLIS – Pinayagan na si point guard Ricky Rubio na maglaro para sa Minnesota Timberwolves sa kanilang pagsagupa sa Dallas Mavericks.
Sapul noong Nobyembre 7 ay hindi na nakapaglaro si Rubio bunga ng kanyang left ankle injury.
Dahil sa injury ay hindi nakita sa aksyon si Rubio sa 43 laro na siyang ikinahulog ng Timberwolves sa team standings.
Kasalukuyang dala ng Minnesota ang 8-39 matapos ang 90-106 kabiguan sa Cleveland Cavaliers.
Lumagda si Rubio ng isang four-year, $54 million contract extension bago magsimula ang season.
Natulungan niya ang Timberwolves sa magandang panimula bago nagkaroon ng ankle injury.
Ang pagbabalik ng point guard ay isa lang sa mga bagong balita sa Timberwolves.
Nauna nang nakabalik sa aksyon si Nikola Pekovic noong Enero 21 matapos ang isang 31-game absence dahil sa foot at ankle injury.
Maglalaro naman si Kevin Martin sa Miyerkules makaraang maupo sa 34 laro dahil sa kanyang fractured right wrist.
Ang pagbabalik nina Rubio, Pekovic at Martin ang magbabangon sa kampanya ng Wolves.
- Latest

















