^

PM Sports

Kings, Elite patuloy ang pagbulusok Energy at Texters sumalo sa unahan

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Maging ang paghugot ng Blackwater kay naturalized center Marcus Douthit ay hindi nakatulong sa kanila para malasap ang ika-13 sunod na ka­malasan sa una nilang PBA season.

Umiskor si import Ri­chard Howell ng 19 sa kan­yang game-high na 29 points sa fourth quarter para tulungan ang Talk `N Text Tropang Texters sa 88-78 paggiba sa Elite at makisalo sa liderato ng 2015 PBA Commissio­ner’s Cup kagabi sa Alonte Sports Arena sa Biñan, La­guna.

Sa naturang arangka­da ng Talk ‘N Text sa final canto ay naungusan ni­la ang Blackwater sa is­ko­ran, 28-12.

Kumamada si Ho­well ng 17 sa 24 puntos ng Tro­pang Texters sa nasabing ratsada sa final canto kung saan nila kinuha ang 13-point lead, 84-71, sa huling limang minuto la­ban sa Elite mula sa 60-66 pagkakaiwan sa third period.

Nagdagdag si Howell ng 21 rebounds para sa pag­sosyo ng Talk ‘N Text sa Meralco sa liderato, habang may 22 markers si guard Jayson Cas­tro.

Tumapos si Douthit na may 14 points para sa Blackwater sa ilalim ng 19 ni Bryan Faundo.

Sa ikalawang laro, tu­­malbog ang tangkang three-point shot ni Joseph Yeo para sa Barangay Gi­nebra na nagtakas sa 69-68 panalo ng Barako Bull.

Ito ang ikalawang sunod na ratsada ng Energy para makisalo sa Tropang Texters at Meralco Bolts sa pangunguna.

Nalasap naman ng Gin Kings ang kanilang ikalawang dikit na kabiguan.

Umiskor si guard Chi­co Lanete ng 17 points pa­ra sa Barako Bull kasunod ang 14 ni JC Intal at 13 ni se­­ven-foot import Solomon Alabi.

May 18 points si Greg Slaughter para sa Ginebra kasunod ang 11 ni balik-import Michael Dunigan at 10 ni Mark Caguioa.

TALK N’ TEXT 88 - Howell 29, Castro 22, Wa­shing­ton 8, Alas 8, Miller 8, De Ocampo 7, Carey 2, Wil­liams 2, Aban 2, Labaga­la 0, Fonacier 0, Espiritu 0, Re­yes 0.

Blackwater 78 - Faundo 19, Douthit 14, Acuña 12, Heruela 10, Celiz 7, Timberlake 5, Gamalinda 5, Reyes 4, Erram 2, Austria 0, Laure 0, Ballesteros 0, Bulawan 0, Ciriacruz 0.

Quarterscores: 19-17; 41-39; 60-66; 88-78.

BARAKO 69 – Lanete 17, Intal 14, Alabi 13, Marcelo 11, Mercado 7, Garcia 5, Lastimosa 1, Pascual 1, Pe­ña 0, Hubalde 0, Salvador 0, Wilson 0, Salva 0, Paredes 0, Sorongon 0.

Ginebra 68 – Slaughter 18, Dunigan 11, Caguioa 10, Baracael 8, Yeo 7, Urbiztondo 5, Tenorio 4, Mamaril 3, Aguilar 2, Monfort 0, Helterbrand 0, Ababou 0, Ellis 0, Brondial 0.

Quarterscores: 15-12; 28-34; 50-50; 69-68.

vuukle comment

ALONTE SPORTS ARENA

BARAKO BULL

BARANGAY GI

BRYAN FAUNDO

DE OCAMPO

DOUTHIT

N TEXT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with