^

PM Sports

Extra stage sa Visayas leg ng Ronda

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagdagdag ang Ronda Pilipinas 2015, inihahandog ng LBC, ng extra stage sa kanilang Visayas qualifying leg para sa mga siklistang maaapek-tuhan ng pagbasura sa Mindanao leg dahil sa isyu sa seguridad.

Inilista ng Ronda organizers ang 120-kilometer stage na pakakawalan sa Negros Occidental Provincial Capitol patungo sa Cadiz City na papalit sa dalawang kinanselang Mindanao laps na daraan sana sa Butuan City, Cagayan de Oro, Tubod sa Lanao del Norte at Dipolog City sa Feb. 8-9.

Dahil dito, ang pina-kamayaman at pinakamalaking cycling race sa bansa at maging sa Asia ay magbubukas sa Feb. 11 tampok ang three-stage Visayas qualifying leg na sisimulan ng 172.7-km Dumaguete-Sipalay lap kasunod ang 157.8-km Bacolod-Bacolod stage at ang Negros Occidental-Cadiz race sa Feb. 13.

Sinabi ni Ronda Pilipinas Executive Project Director Moe Chulani na pipiliting nilang magkaroon ng libreng ferry transfers ang mga siklista mula sa Dipolog hanggang sa Dumaguete para sa mga apektadong Mindanao-based riders.

Magdadagdag din sila ng puwesto para magkaroon ng pantay na pagkuwalipika.

“We will arrange free ferry transfers for our riders from Mindanao from Dipolog to Dumaguete on Feb. 10,” wika ni Chulani. “Also we will increase the number of slots in the Visayas leg to increase their chances of making it to the Cham-pionship round.”

BUTUAN CITY

CADIZ CITY

DIPOLOG

DIPOLOG CITY

DUMAGUETE

FEB

MINDANAO

NEGROS OCCIDENTAL PROVINCIAL CAPITOL

NEGROS OCCIDENTAL-CADIZ

VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with