^

PM Sports

Randolph, Gasol humataw

Pang-masa

MEMPHIS, Tenn. -- Tinapos ng Memphis Grizzlies ang kanilang pinakamahabang paglalaro sa kanilang homecourt nga-yong season sa pagdomina sa kanilang bisita mula sa Eastern Conference.

Kumolekta si Zach Randolph ng 24 points at 10 rebounds, habang nagdagdag si Marc Gasol ng 16 points at 10 boards para igiya ang Memphis sa 103-94 panalo laban sa Orlando Magic.

Ito ang ikatlong sunod na arangkada ng Grizzlies at 4-1 record sa kanilang homecourt.

Si Randolph, nagbida sa 101-83 paggupo ng Memphis sa Philadelphia 76ers noong Sabado, ang kumamada para sa Grizzlies at hindi na nilingon pa ang Magic.

Mula sa double-digit advantage sa second period ay itinayo nila ang 20-point lead bago sumapit ang halftime.

“He got it going early, and even played 15 mi-nutes straight. Then still got mad when I took him out,’’ sabi ni Memphis coach Dave Joerger kay Randolph. “I mean, he was rolling. The guy’s fantastic.’’

Nakalapit ang Orlando sa siyam na puntos sa fourth quarter ngunit hindi na nakadikit pa sa Memphis.

Samantala, sa New York, ipinagpaliban ng NBA ang home games para sa New York Knicks at Brooklyn Nets bunga ng snowstorm na inaasahang mararanasan ng kanilang mga lugar.

Lalabanan sana ng Knicks ang Sacramento Kings nitong Lunes at haharapin din sana ng Nets ang Portland.

BROOKLYN NETS

DAVE JOERGER

EASTERN CONFERENCE

MARC GASOL

MEMPHIS GRIZZLIES

NEW YORK

NEW YORK KNICKS

ORLANDO MAGIC

SACRAMENTO KINGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with