^

PM Sports

Pacquiao bibisita sa Buckingham Palace

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa isang panayam ng The Telegraph noong nakaraang taon ay sinabi ni Manny Pacquiao na pangarap niyang makasalo sa hapag kainan si Queen Elizabeth sa Buckingham Palace.

Ito ay matutupad sa pagtungo ni Pacquiao, kasama ang asawang si Jinkee, sa London para sa isang hapunan mula sa imbitasyon ni Prince Harry, miyembro ng royal family.

Matapos ang hapunan kung saan maaari nilang makasama si Queen Elizabeth ay ipapasyal si Pacquiao ni Prince Harry sa loob ng Buckingham Palace.

Maraming bagay na nagkakapareho ang 36-anyos na si Pacquiao at ang 30-anyos na si Prince Harry.

Pareho silang may military background kung saan isang lieutenant colonel si Pacquiao sa Philippine Army Reserve at hinirang na honorary commodore sa Philippine Coast Guard.

Si Prince Harry naman ay isang kapitan sa British Army at napabalitang ipinadala sa Afghanistan para makipaglaban bukod pa sa pagtulong sa tropa sa Gurkha para labanan ang mga Taliban rebels.

Kagaya ni Pacquiao, aktibo rin sa sports si Prince Harry. Naglalaro ang Prinsipe ng polo, skiing, motocross, football at rugby.

Hindi naitago ang pagkamangha ng Filipino world eight-division champion sa mga Hari at Reyna.

Sa katunayan ay isinunod niya ang pangalan ng kanyang anak na si Queenie kay Queen Elizabeth, habang ang isa niyang anak ay Princess ang pangalan.

Noong 2008 sa kanyang media tour para sa promosyon ng banggaan nila ni Ricky Hatton ay nasabik si Pacquiao matapos sabihin na ang kanyang tinitira-hang Park Lane hotel ay malapit lamang sa Buckingham Palace.

Matapos ang kanyang pagbisita kay Prince Harry sa London ay babalik si Pacquiao sa US para maging isa sa limang hurado sa 2015 Miss Universe pageant sa Enero 25 sa U.S. Century Bank Arena sa Miami, Florida.

Sa Pebrero ay magiging panauhing pandangal naman ang Sarangani Congressman sa isa sa mga events ng National Prayer Breakfast sa Washington D.C.

vuukle comment

BRITISH ARMY

BUCKINGHAM PALACE

CENTURY BANK ARENA

MATAPOS

MISS UNIVERSE

NATIONAL PRAYER BREAKFAST

PACQUIAO

PRINCE HARRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with