^

PM Sports

Batang Carmona nagpasiklab sa San Lazaro

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nagpasiklab ang Batang Carmona nang napangatawanan ang pagiging paborito sa isinagawang 3YO Maiden (A & B) karera noong Lunes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ang class C jockey na si BL Salvador ang siyang dumiskarte sa kabayo na sinabayan ang tangkang pagkawala ng Primetime sa pagbubukas ng aparato.

Nang naramdaman na paubos na ang kasabayang kabayo ay saka kinargahan ni Salvador ang Batang Carmona para iwanan ang mga katunggali tungo sa halos pitong dipang panalo sa 1,300-metro karera.

Nasegundo pa rin ang Primetime na ginabayan ni LF De Jesus.

Halagang P10,000.00 ang napasakamay ng connections ng Batang Carmona habang ang mga nanalig sa naturang kabayo ay nagkamit ng P6.50 dibidendo sa win. Ang forecast na 5-4 ay pumalo sa P47.50.

Binigyan din ng Low Profile ng magandang pagtatapos ang kampanya sa 2014 nang manalo sa isang special handicap race na pinaglabanan sa 1,400-metro distansya.

Ikalawang dikit na panalo ito ng Low Profile dahil nanguna rin ang kabayong sakay ni Mark Alvarez noong Disyembre 20 at tinalo ang Jade Jewel sa nasabing karera.

Sampung kabayo ang naglaban at na­naig ang Hot And Spicy at mapangatawanan ang pagiging kursunada ng mga mananaya.

Nasa P7.50 ang ibinigay sa win habang umabot sa P15.00 ang ibinigay sa 4-3 forecast.

Ang lumabas na dehado sa gabi ay ang Grand Duke sa pagdiskarte  ni Antonio Alcasid Jr. sa MJCI Special Race sa 1,300m distansya.

Kondisyon ang Grand Duke dahil banderang-tapos ang panalong kinuha sa karerang sinalihan ng pitong kabayo.

Umabot sa P39.50 ang ipinasok ng win habang ang 6-2 forecast ay nagpamahagi ng P144.00 dibidendo.

 

vuukle comment

ANTONIO ALCASID JR.

BATANG CARMONA

DE JESUS

GRAND DUKE

HOT AND SPICY

JADE JEWEL

LOW PROFILE

MARK ALVAREZ

PRIMETIME

SAN LAZARO LEISURE PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with