^

PM Sports

ACCEL PBA Press Corps Player OF The week

Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang malaking dahilan kung bakit nasa finals na ang San Miguel Beer ay dahil sa solidong paglalaro ng higanteng si June Mar Fajardo.

Ang 6’10” na si Fajardo ay naghatid ng 21 puntos, 11.75 rebounds, 3.5 assists at 1.5 blocks sa 37  minutong paglalaro para pangunahan ang Beermen sa 4-0 sweep sa Talk N’Text sa kanilang best-of-seven semifinal series.

Noong Disyembre 23 at 26 ginawa ang ikatlo at ikaapat na laro sa serye at kumamada ang 25-anyos na tubong Pinamungahan, Cebu  ng pinagsamang 23 puntos, 12.5 rebounds at 3.5 assists para igawad sa  kanya ang ikalawa niyang ACCEL-PBA Press Corps Player of the Week (Disyembre 23-28) citation.

Noong 2012 pumasok sa PBA si Fajar-do at nakatulong sa kanya ang paglalaro sa Gilas Pilipinas kaya’t gumaling siya at dinodomina ang liga laban sa mas maliliit na katapat.

Sa Game Three ay naging pisikal ang depensa ng Tropang Texters pero ipinagpag lamang ito ni Fajardo at tumapos taglay ang 18 puntos at siyam na rebounds.

Gumana rin ang mga kamay nina Arwind Santos at Alex Cabagnot para ibigay sa Beermen ang 3-0 kalamangan sa serye  sa 96-95 dikitang panalo.

Ang Game Four ay ginawa makalipas ang tatlong araw at ang napahingang si Fajardo ay nakitaan ng pinakamaba-ngis na paglalaro sa serye sa ibinigay na 28 puntos, 16 rebounds, limang assists at dalawang blocks.

Ito na ang ika-34th pagkakataon na nasa championship ang Beermen at pa-kay nila ang ika-20th kampeonato.

“Kailangang galingan pa namin at taasan pa ang aming intensity dahil walang madaling laro,” wika ni Fajardo.

Pinaglalabanan ng Alaska at Rain Or Shine Elasto Painters ang ikalawang puwesto sa finals na isang best-of-seven series din.

vuukle comment

ALEX CABAGNOT

ANG GAME FOUR

ARWIND SANTOS

BEERMEN

FAJARDO

GILAS PILIPINAS

JUNE MAR FAJARDO

NOONG DISYEMBRE

PRESS CORPS PLAYER OF THE WEEK

RAIN OR SHINE ELASTO PAINTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with