Raptors inawat ang LA Clippers
LOS ANGELES – Ki-nailangan ni Kyle Lowry at ng Toronto Raptors ng malaking kontribusyon mula sa kanilang mga reserves sa dulo ng fourth quarter para pagulungin ang Los Angeles Clippers, 110-98.
Umiskor si Lowry ng 25 points at nakahugot ang Raptors ng 18 sa kanilang 30 fourth-quarter points mula sa bench para tapusin ang eight-game home winning streak ng Clippers.
“That’s the biggest thing about this team. We’ve got a great bench and we feed off of each other,’’ sabi ni backup guard Greivis Vasquez. “It may not show in the stats, but a lot of different guys do a lot of different things. The second (unit) doesn’t get as much credit as the starters, but we don’t care.’’
Humakot si Jonas Valanciunas ng 22 points at 11 rebounds para sa defending Atlantic Division champion Raptors.
Nakuha ni Los Angeles’ forward Blake Griffin ang kanyang ikatlong foul at pinalitan ni Hedo Tur-koglu sa 10:50 minuto sa fourth quarter.
Nagsalpak naman si Vasquez ng magkasunod na 3-pointers at isang 17-footer sa loob ng 1:18 minuto para sa 93-80 abante ng Toronto sa 9:03 minuto sa laro.
Sa California, nagpasabog si guard Stephen Curry ng 25 points at nagtala ng 6 assists, habang umiskor si Klay Thompson ng 21 points para igiya ang Golden State Warriors sa 110-97 panalo laban sa Minnesota Timberwolves.
Tinapos ng Warriors ang kanilang dalawang sunod na kamalasan.
Apat pang Golden State players ang umiskor ng double digits nang iwanan nila ang Timberwolves sa second half.
Nagtala ang Warriors ng 27-point lead sa kaagahan ng fourth quarter at ipinahinga ang kanilang mga regulars sa huling mga minuto ng laro.
Nakabangon ang Golden State mula sa magkasunod nilang pagkatalo sa Los Angeles Clippers at Lakers.
Ginawa ito ng Warriors na wala sina Andrew Bogut (right knee) at backup Festus Ezeli (left ankle).
Sa Sacramento, tumipa si DeMarcus Cousins ng siyam sa kanyang season-high 39 points sa overtime para pangunahan ang Kings sa 135-129 panalo sa New York Knicks.
- Latest