Move-on, move-on din ang Azkals ‘pag may time
MANILA, Philippines - Bagama’t hindi pa nabubura sa alaala ng Azkals ang kanilang pagkaunsiyami sa Asean Football Federation Suzuki Cup, sinisikap ng National football team na mag-move-on na at maging positibo para paghandaan na lamang ang susunod na laban.
“Have to get this out of the system and take the next step,” sabi ni veteran midfielder Jerry Lucena na nakapasok ang kanyang European team sa Fifa World Cup sa 2015.
Sa ikatlong sunod na pagkakataon ay hindi nakaalpas sa semifinals ang Azkals sa torneo matapos lumasap ng 0-3 pagkatalo sa Thailand sa harap ng 50,000 Thai fans sa ikalawang yugto ng kanilang sagupaan.
Haharapin ng Thailand para sa titulo ang Malaysia na sumilat sa Vietnam sa Hanoi noong Huwebes ng gabi, 4-2, para pagwagian ang kanilang serye sa aggregate score na 5-4.
Naniniwala sina top scorer Phil Younghusband at skipper Rob Gier na pa-tuloy ang improvement ng Azkals at sila ay nananati-ling nasa tamang landas.
“I think we showed that we can pass and create chances by passing the ball. There’s still a barrier we need to get over and it’s the same barrier we can’t get pass through several tournaments,” sabi ni Younghusband.
“Improvement’s been big this year… we proved that we can pass the ball,” sabi naman ni Gier na nag-iisip nang ipasa ang kanyang slot sa Suzuki Cup sa mas nakababatang player pagkatapos ng season na ito.
Mataas ang morale ng Pinoy Booters na hinarap ang Thailand sa kanilang sariling balwarte matapos ang 0-0 draw sa Manila sa kanilang home-game ngunit hindi nila naka-yanan ang puwersa ng kalaban sa away game upang isuko ang laban.
- Latest