^

PM Sports

Azkals coach nanghihinayang

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - May panghihinayang si Azkals coach Thomas Dooley matapos makita ang Pambansang koponan na naka-scoreless draw (0-0) laban sa War Elephants ng Thailand sa AFF Suzuki Cup semifinals noong Sabado ng gabi sa Rizal Memorial Football pitch.

Naroroon ang suportang hanap ng koponan sa manonood at nagkaroon ng mga pagkakataon na makaiskor ang Azkals pero mahusay ang depensa ng bisitang koponan sa pangunguna ng kanilang goal keeper  na si Kawin Thamsatchanan.

Nagawang pigilan ni Thamsatchanan ang dalawang attempt na ginawa ni Phil Younghusband na nangyari sa first at se-cond half ng labanan.

Ang tabla ang tumapos sa 14 sunod na pagkatalo ng Pilipinas sa Thais mula 1971 pero kinapos ang Azkals na maiusad ang isang paa patungo sa makasaysayang pagpasok sa championship round ng torneo.

“Before the game I would have taken zero zero. But now after the game, I feel it is a shame we did not score and win,” ani Dooley.

Hindi naman ito nangangahulugan na dismayado siya sa ipinakita ng kanyang bataan dahil masaya siya bunga ng katotohanang  patuloy ang pag-angat ng kalidad ng Azkals.

Sa pangyayari, kailangan ngayon ang Azkals na humirit ng scoring draw sa Miyerkules sa home game ng Thailand sa Rajamangala Stadium sa Bangkok.

Nananalig si Dooley na makakaya ng Azkals na harapin ang pressure dulot ng libu-libong manonood na susuporta sa Thais.

“I am 100 percent sure they will put a lot of pressure on us as they have a big stadium with 45,000 fans,” dagdag nito.

Isang bagay na nais kapitalisahin ng Azkals ay ang di paglalaro nina Kirati Keawsombut at Adisak Kraisorn. Ang striker na si Keawsombut ay sinasabing nagkaroon ng hamstring injury habang si Kraisorn na siyang humalili sa na-injured na kakampi ay binigyan ng red card sa 68th minute nang binangga si Amani Aguinaldo.

 

ADISAK KRAISORN

AMANI AGUINALDO

AZKALS

KAWIN THAMSATCHANAN

KIRATI KEAWSOMBUT

PHIL YOUNGHUSBAND

RAJAMANGALA STADIUM

RIZAL MEMORIAL FOOTBALL

SUZUKI CUP

THOMAS DOOLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with