^

PM Sports

Pacquiao fight sa Dubai?

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Maliban sa Macau, China ay maaari ring lumaban si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao sa Uni-ted Arab Emirates.

Sinabi ni Prince Amir Shafypour, ang promoter at managing director ng Golden Cage Promotions and Events, na mayroon silang venue para pagdausan ng susunod na laban ni Pacquiao sa 2015.

Sa naunang panayam kay Bob Arum ng Top Rank Promotions ay sinabi nitong hindi idaraos sa United States ang susunod na laban ni Pacquiao, ma-ging ito man ay kontra kay Floyd Mayweather, Jr.

“We are confident of hosting a fight featuring Pacquiao with or without Mayweather,” sabi ni Prince Amir sa panayam ng Emirates 24|7.

Sa The Venetian sa Macau, China nangyari ang pagdomina ni Pacquiao kay American challenger Chris Algieri noong Linggo.

Unang lumaban ang Filipino boxing superstar sa Macau noong Nobyembre ng 2013 matapos gulpihin si Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa loob ng 12 rounds.

Ayon kay Prince Amir. maraming Pinoy sa Dubai na manonood sa laban ni Pacquiao kung mangyayari ito.

“We are interested in Pacquiao because there are hundreds of Filipino expatriates not only in the UAE but also around the Gulf who would fill the stadium to see their world champion,” ani Prince Amir, founder ng Global Fighting Championship series.

“It would be a sell out and fans in this region deserve to see Pacquiao fight before he hangs up his gloves,” dagdag pa ng Dubai promoter.

Kung hindi uli mapaplantsa ang laban kontra kay Mayweather ay posibleng si Danny Garcia ang makaharap ni Pacquiao sa susunod na taon.

ARAB EMIRATES

BAM BAM

BOB ARUM

CHRIS ALGIERI

DANNY GARCIA

DUBAI

FLOYD MAYWEATHER

MACAU

PACQUIAO

PRINCE AMIR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with