^

PM Sports

‘Di talaga mapigilan ang Perpetual spikers

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa 51 sunod na laban sa loob ng limang seasons, hindi pa natatalo ang Perpetual Help sa men’s volleyball tournament.  Gawin na itong 52.

Giniba ng Altas ang Lyceum Pirates, 27-25, 25-14, 27-25 para ipagpatuloy ang kanilang hindi matapus-tapos na pananalasa sa 90th NCAA volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Pinamunuan nina Neil Barry Ytorzaita at Bonjomar Castel ang Perpetual sa hinataw nilang 13 at 11 hits, ayon sa pagkakasunod, kasama ang mahahala-gang kills sa first at third sets kung saan diniskaril ng Las Piñas-based school ang pagtatangka ng Lyceum na makaagaw ng set.

Muling napasakamay ng Altas ang solo lead sa kanilang limang sunod na panalo ngayong season para ungusan ang  Emilio Aguinaldo College (4-0).

Sinabi ni Perpetual Help coach Sammy Acaylar na mas iniisip nila ang pagsikwat sa pang-limang sunod na korona kaysa sa winning streak. “Our first priority is winning the championship,” sabi ni Acaylar.

Sa women’s play, tinalo ng Arellano University ang EAC, 25-13, 25-15, 25-20 para sa kanilang 5-0 record.

Nagtuwang sina Danna Henson, Shirley Salamagos at CJ Rosario para sa panalo ng Lady Chiefs nang tumapos na may 14, 13 at 11 hits, ayon sa pagkakasunod.

Pinayukod naman ng defending women’s titlist Perpetual Help ang Lyceum, 25-18, 25-21, 25-21 para sa kanilang 4-1 baraha.

vuukle comment

ALTAS

ARELLANO UNIVERSITY

BONJOMAR CASTEL

DANNA HENSON

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

LADY CHIEFS

LAS PI

LYCEUM PIRATES

NEIL BARRY YTORZAITA

PERPETUAL HELP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with