Knockout din ang target ni Algieri
MANILA, Philippines - Kagaya ni Manny Pacquiao, nangako rin ng knockout victory si American challenger Chris Algieri.
Ito ang deklarasyon ni Tim Lane, ang chief trainer ni Algieri na hahamon kay Pacquiao sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China, sa panayam ng The Boxing Voice.
“Chris gets warm mid fight and picks up the pace. Chris Algieri will beat Manny Pacquiao on November 22nd. He most certainly has a chance of stopping Pacquiao. I don’t expect it to go the distance,” wika ni Lane.
Nauna nang sinabi ni chief trainer Freddie Roach na kayang-kayang pabagsakin ng 5-foot-6 na si Pacquiao ang 5’10 na si Algieri.
Ito ay matapos patumbahin ni Ruslan Provodnikov si Algieri ng dalawang beses sa first round bago ginamit ng American fighter ang kanyang reach at height advantage laban sa 5’8 na Russian para itakas ang split decision win noong Hunyo.
Ang naturang panalo ang nagbigay kay Algieri ng World Boxing Organization (WBO) light welterweight belt ni Provodnikov, dating sparmate ni Pacquiao.
Idedepensa naman ni Pacquiao ang kanyang WBO welterweight crown kontra kay Algieri sa catchweight fight na 144 pounds.
Sinabi ni Lane na malaking bentahe para sa 30-anyos na si Algieri ang labanan ang 35-anyos na si Pacquiao sa naturang timbang.
“He’s a huge 140 pounder,” wika ni Lane kay Al-gieri. “His best weight is at 144 so right in between 140 and 147, which is where we’re going to meet, which is Chris’ best weight.”
Bago maitakda ang laban ay iginiit nina Roach at Pacquiao na gawin ang laban sa catchweight na 144 pounds.
“I don’t know who chose this weight but they chose it perfectly for Chris. The catch weight played into our hands for sure,” ani Lane.
- Latest