^

PM Sports

Ayaw nang patagalin ng San Beda, Arellano

Pang-masa

MANILA, Philippines - Balak ng four-time defending champion San Beda Red Lions ang maipagpatuloy ang dominasyon sa Perpetual Help Altas kung ang pagkikita sa Final Four ang pag-uusapan.

Sa ganap na ika-2 ng hapon, magsusukatan uli ang Lions at Altas sa pagsisimula ng 90th NCAA men’s basketball Final Four sa Mall of Asia Arena at ang makukuhang tagumpay ng una ay magpapasok sa koponan sa championship round.

Ang number two seed na  Arellano Chiefs ay mapapalaban sa host Jose Rizal University Heavy Bombers dakong alas-4 at isang panalo rin ang kailangan ng Chiefs para umabante sa Finals.

Ito ang unang pagkakataon na tumapak ang Arellano sa playoff at ang kakulangan ng karanasan sa ganitong labanan ng koponan ni rookie coach Jerry Codiñera ang tiyak na gagamitin ng JRU para maipanalo ang laro.

Sa huling dalawang taon ng NCAA Final Four ay nagharap ang Lions at Altas at sa dalawang pagkakataong ito ay namayani ang San Beda.

Ang mga subok na sa laban na sina Ola Adeogun, Baser Amer, Arthur dela Cruz at Anthony Semerad ang mga ma-ngunguna sa Lions para lumapit sa dalawang panalo tungo sa ikalimang sunod na kampeonato at ika-19th sa pangkalahatan.

Asahan na hindi basta-basta padadaig ang Altas na ilalabas ang mga nakuhang karanasan  sa mga nagdaang seasons para manatiling buhay ang paghahabol sa titulo.

Ang mga PBA bound na sina Juneric Baloria at Harold Arboleda bukod pa sa nangunguna sa MVP race na si Earl Scottie Thompson ang mga aasahan para masilat ang paboritong koponan. (AT)

ALTAS

ANTHONY SEMERAD

ARELLANO CHIEFS

BASER AMER

EARL SCOTTIE THOMPSON

FINAL FOUR

HAROLD ARBOLEDA

JERRY CODI

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

JUNERIC BALORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with