Durant matetengga ng hanggang 8-weeks
MANILA, Philippines – Inaasahang hindi makakalaro si Oklahoma City Thunder forward Kevin Durant sa loob ng walong linggo dahil sa kanyang right foot fracture na ma-ngangailangan ng surgery.
Sinabi ni Durant sa Thunder matapos ang kanilang team practice noong Sabado na may na-raramdaman siyang sakit sa kanyang kanang paa.
Nalaman ng Thunder na ang NBA Most Valuable Player ay mayroong Jones fracture.
Base sa time-frame, kung si Durant ay sasai-lalim sa surgery ay maka-kabalik siya sa kalagitnaan ng Nobyembre o sa kaagahan ng Disyembre.
“We are in the process of collaboratively evaluating the most appropriate next steps with Kevin, his representatives, and Thunder medical personnel,” sabi ni Thunder general manager Sam Presti sa isang statement. “Until a course of action is determined, we are unable to provide a timeline specific to Kevin’s case.”
Pinamunuan ni Durant ang NBA sa scoring sa kanyang 32 points per game noong nakaraang season.
Isang laro lamang ang kanyang iniliban noong nakaraang season at hindi nakalaro ng 16 beses sa kanyang seven-year career.
- Latest