^

PM Sports

Alaska, Barako kinatatakutan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tumatayong mga ‘dark horse’ ngayon ang Aces at ang Energy.

Ito ay matapos magpalakas ng mahinang posisyon ang Alaska at ang Barako Bull bilang paghahanda para sa 40th PBA season na sisimulan sa Oktubre 19 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Sina veteran center Eric Menk, rookie backcourt players Chris Banchero at Rome dela Rosa ang kinuha ng Aces ni coach Alex Compton para suportahan sina Sonny Thoss, Cyrus Baguio, Jvee Casio, Calvin Abueva, Dondon Hontiveros, Vic Manuel, RJ Jazul at Tony dela Cruz.

“The break helped us make the necessary adjustments in the new system put in place by Alex (Compton),” sabi ni Alaska team manager Dickie Bachmann sa pag-aabandona nila sa “triangle offense” ni dating coach Tim Cone.

Idinagdag ni Bachmann na ang bago nilang sistema ay tila isang run-and-gun game na magagamayan nina Baguio, Abueva at Dela Rosa.

May 3-0 record ngayon ang Aces sa kanilang mga tune-up games.

Ang iba pang nanatili sa Aces ay sina Sam Eman, Chris Exciminiano at Paolo Bugia, habang inilagay si Gabby Espinas sa reserve/injured list.

Sa itinalang 22 wins at 22 losses sa nakaraang season ay tumapos ang Alaska bilang ikaanim sa likod ng Talk ‘N Text (33-16), Rain or Shine (37-24), San Miguel Beer (25-17), San Mig Coffee (41-30) at Barangay Ginebra (23-20).

Hinugot naman ng Barako Bull sina RR Garcia, Jondan Salvador, Chico Lanete, Jake Pascual at Philip Paredes. Sina core players Dennis Miranda, Carlo Lastimosa, JC Intal, Jeric Fortuna, Dave Marcelo, Willie Wilson at Michael Pennisi ang muling mamumuno sa kanilang kampanya. Pinakawalan ng Barako Bull ni mentor Siot Tanquingcen si two-time MVP awardee Willie Miller.

ALEX COMPTON

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

CALVIN ABUEVA

CARLO LASTIMOSA

CHICO LANETE

CHRIS BANCHERO

CHRIS EXCIMINIANO

CYRUS BAGUIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with