Mainit na tinanggap si LeBron ng Cavs fans
CLEVELAND -- Sa sobrang lakas ng hiyawan ng crowd, hindi na nari-nig ni LeBron James nang i-announce ang kanyang pangalan.
Dahil hindi siya sigurado kung tatayo na siya para pumasok sa court, tiningnan niya ang kanyang mga katabi at nakita niyang siya na lang ang natitira.
Ilang segundo pa at naramdaman ni James na nakabalik na siya sa kanyang ‘tahanan.’
Mainit na tinanggap ng Cleveland fans ang nagbabalik na NBA superstar sa pamamagitan ng nakabibinging sigawan ng halos 17,000 fans na dumating para panoorin ang annual scrimmage ng Cavaliers, ang practice ng team na naging preview ng magi-ging magandang season ng koponan.
Suot ang pamilyar na No. 23 wine at gold jersey na pinalitan niya ng No. 6 nang lumipat siya sa Miami, bumalik si James sa basketball court na kung saan siya nagsimula bilang pro.
Habang naghihintay siya sa bench na i-announce ang kanyang pangalan, hindi na narinig ni James ang sinabi ng announcer na, “From Akron St. Vincent-St. Mary High School, No. 23...” Tumayo na si James at naglakad papunta sa gitna ng court at ‘di pa rin matigil ang hiyawan ng mga tao.
“I really couldn’t hear it,’’ ani James. “The fans were really loud and the PA was a little down, so I really couldn’t hear it. I was the last person sitting on the bench, so I guess it had to be my time. But the roar was very well received and I’m grateful to be able to be in this position where the fans welcomed me back like that.’’
Ang pagtanggap na ito sa kanya ng Cleveland fans ay kabaliktaran sa kanyang tinanggap na pagbo-boo ng mga tao sa kanya nang lumipat siya sa Miami.
- Latest