^

PM Sports

Morris twins pumirma ng bagong kontrata sa Suns

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinapirma ng Phoenix Suns ang kambal na sina forwards Marcus at Markieff Morris sa multiyear contract extensions na nagkakahalaga ng pinagsamang $52 milyon.

Iniulat na si Markieff Morris ay tatanggap ng isang four-year deal na may halagang $32 milyon, habang si Marcus Morris ay makakakuha ng isang four-year deal na nagkakahalaga ng $20 milyon.

Sa Boston, opisyal nang miyembro ng Celtics ang veteran swingman na si Evan Turner matapos lumagda ng isang two-year deal na may halagang $6.7 milyon.

Nagtala si Turner ng average na 17.4 points para sa Philadelphia sa 54 games sa nakaraang season bago na-trade sa Indiana noong Pebrero 20.

Umiskor siya ng average na 7.1 points para sa Pacers sa 27 games.

Sa Washington, nagdagdag ang Wizards ng anim na players sa kanilang training camp roster.

Ang mga ito ay sina guards Vander Blue, Xavier Silas at David Stockton, forwards Rasual Butler, Damion James at center Daniel Orton.

Sa Orlando, apat na free-agent players ang kinuha ng Magic sa kanilang training camp roster.

Ang mga ito ay sina guards Seth Curry, Drew Crawford at Peyton Siva at forward Kadeem Batts at dating Northwestern guard Drew Crawford.

Sa Cleveland, pinapirma ng Cavaliers sina guard Chris Crawford at forward Shane Edwards.

Nagposte si Crawford ng mga  averages na 8.7 points, 3.3 assists at 3.5 rebounds sa kanyang 140 career games para sa University of Memphis.

Sa Atlanta, pinalagda ng Hawks sina guard/forward Jarell Eddie at center Dexter Pittman.

Naglaro si Eddie sa huling apat na seasons sa Virginia Tech, habang si Pittman ay isang four-year NBA veteran at huling nakita sa bench ng Hawks sa nakaraang season.

CHRIS CRAWFORD

DAMION JAMES

DANIEL ORTON

DAVID STOCKTON

DEXTER PITTMAN

DREW CRAWFORD

EVAN TURNER

JARELL EDDIE

KADEEM BATTS

MARKIEFF MORRIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with