Juico ‘di pinagsisisihanang pagsalang ni Torres
INCHEON, South Korea -- Hindi pinagsisisihan ni PATAFA president Philip Ella Juico ang pagtutulak ng partisipasyon ni Marestella Torres sa Asian Games dito.
Bigong makapagtala ng anumang marka ang dating SEA Games queen sa long jump matapos ma-foul sa tatlong sunod na lundag na ginawa noong Lunes ng gabi.
Ang mga kasali ay pinatalon muna ng tatlong beses para madetermina ang unang walong jumpers na magpapatuloy ng laban para sa gintong medalya.
“Sports have many surprises,” wika ni Juico na ang tinukoy ay ang nangyari kay Torres na sinabayan pa ng pagkapanalo ng hindi pinaborang Indonesian jumper na si Maria Nathalia Londo sa 6.55m lundag.
Si Thi Thu Thao Bui ng Vietnam ang puma-ngalawa sa 6.44m habang si Yanfei Jiang ng China ay pumangatlo sa 6.34m.
Kaya sana ng 33-an-yos na si Torres na manalo ng pilak kung napantayan lamang ang 6.47m marka nang nanalo ng ginto sa Singapore Open.
“Talagang gusto niyang manalo, hindi lang sinuwerte. The strategy was to attack, hindi lang na-execute nang mabuti,” dagdag pa ni Juico.
Hindi pa naman ito ang katapusan ni Torres dahil patuloy siyang susuportahan ng PATAFA upang maabot ang susunod na misyon, ang makapasok sa 2016 Rio de Janiero Olympics.
May 2015 SEA Games pa na pagha-handaan at inaasahang babawiin ni Torres ang dating titulo sa event.
Napahinga si Torres ng mahigit na isang taon dahil sa pagbubuntis at noong Enero lamang ay nagsilang ng kanilang unang anak ni shotput artist Eleazer Sunang.. (BRM)
- Latest