^

PM Sports

Lavandia, Obiena naka-gold

Pang-masa

KITAKAMI CITY, Japan—Tinakpan nina Erlinda Lavandia at Emerson Obiena ang biglaang withdrawal ni dating Asian long jump queen Elma Muros-Posadas dahil sa injury sa paghahatid ng dalawang gold medals para sa Philippine Team nitong Lunes sa 18th Asia Masters Athletics Championships.

Nakopo ni Lavandia ang gold sa javelin throw event para sa women 60-64 years old category nang kanyang ihagis ang sphere sa distansiyang 30.05 meters upang talunin sina Kato Keiko (28.76m) at Ota Tokiko (26.44m) na parehong pambato ng Japan.

Hindi na niya tinangkang higitan ang record na kanyang naitala noong 2013 edition ng Games sa Taipei.

Mag-uuwi rin si  Obiena ng gold medal mula sa men’s pole vault event para sa men 45-years old sa kanyang paglundag ng 4 meters upang talunin sina Higashino Makoto ng Japan (3.8m) at isa pang Japanese na si Fukaya Eiji (3.2m).

Kumopo naman si John Lozada ng bronze medal sa 800-m race sa tiyempong 2: 18.08 sa likod ng gold medal winner na si Namekawa Yuji (2:08.48) at silver medalists na sina Koji Kashima (2:10.08) na parehong galing ng Japan.

Si Muros-Posadas ay na-injury sa kanyang unang attempt sa kanyang paboritong long jump at umalis siya ng playing area na paika-ika.

Nagka-injury din siya noong nakaraang taon nang sumali siya sa hurdles  kung saan bigla siyang huminto kahit siya na ang nangunguna sa karera.

vuukle comment

ASIA MASTERS ATHLETICS CHAMPIONSHIPS

ELMA MUROS-POSADAS

EMERSON OBIENA

ERLINDA LAVANDIA

FUKAYA EIJI

HIGASHINO MAKOTO

JOHN LOZADA

KATO KEIKO

KOJI KASHIMA

NAMEKAWA YUJI

OTA TOKIKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with