^

PM Sports

Golden Boy, Top Rank nagkasundo

Pang-masa

MANILA, Philippines – Payag ang manager ni Danny Garcia na si Al Haymon sa itinutulak na laban ni Oscar De La Hoya ng Golden Boy Promotions (GBP) laban sa Pambansang kamao na si Manny Pacquiao.

Nagkausap sina De La Hoya at Haymon at suportado niya ang pagkikita ng kanyang  boksingero laban sa boksingero na nasa kampo ng Top Rank.

Binuksan ni De La Hoya ang pintuan upang ang mga boxers ng GBP ay makasukatan ng mga fighters ng Top Rank para pasiglahin uli ang tumatamlay na suporta sa boxing.

Dahil sa pagkilos na ito ni De La Hoya ay umalis sa GBP si Richard Schaefer habang bumukod na rin si Haymon.

“I love the Danny Garcia-Pacquiao. We have talked to Al about it and he likes it, he’s open to it. We’re going towards the right direction,” banggit ni De La Hoya.

Wala ring problema ang gusot sa pagitan nina Haymon at Arum dahil hindi naman nila kaila-ngang magharap.

Si Arum ay isang promoter kaya’t si De La Hoya ang kanyang kausap sa negosasyon.

Hindi pa natatalo sa 29 laban si Garcia, ang WBC/WBA light welterweight champion na aakyat para sukatin si WBO welterweight king Pacquiao na may 56 pana-lo matapos ang 63 laban.

Sa ngayon ay puspusan ang paghahanda ni Pacman para sa title defense laban kay Chris Algieri para sa welterweight title na gagawin sa Nobyembre 14 sa Macau, China.

Marami ang naniniwalang mananalo ang Kongresista ng Sarangani Province laban sa walang talo at WBO light welterweight champion na si Algieri para maikasa ang isa sa pinakamalaking laban sa boxing sa 2015. (AT)

vuukle comment

AL HAYMON

CHRIS ALGIERI

DANNY GARCIA

DANNY GARCIA-PACQUIAO

DE LA HOYA

GOLDEN BOY PROMOTIONS

HAYMON

LABAN

TOP RANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with