^

PM Sports

Paul Lee ‘di sumipot sa practice ng Rain or Shine

Pang-masa

MANILA, Philippines – Mula nang bumalik sa Pilipinas noong Sabado ng hapon ay hindi pa nagpaparamdam si Paul Lee sa kanyang koponang Rain or Shine.

Hindi nakita ang anino ng dating University of the East star guard sa unang team practice ng Elasto Painters kahapon ‘di tulad ni center Beau Belga na nanood ng ensayo at nakipagkumustahan pa sa kanyang mga teammates.

Sinabi ni head coach Yeng Guiao na prayoridad nila ang makausap ng personal si Lee kaugnay sa deklaras-yon nitong gusto niyang umalis sa Rain or Shine.

Nagpaabot na rin ng mensahe ang Rain or Shine  sa agent ni Lee na si Lawrence Chongson, dati niyang coach sa Red Warriors sa UAAP.

Umaasa si Guiao na mapaplantsa ang anumang hindi pagkakaunawaan sa kanilang panig at sa kampo ni Lee, inalok na ng Asian Coating franchise ng three-year, maximum contract.

Bagama’t tatlong araw ang inilagi sa Spain para sa 2014 FIBA World Cup ay hindi kinausap ni Atty. Mamerto Mondragon, ang kinatawan ng Elasto Painters sa PBA Board, si Lee dahil sa direktiba sa kanya ng mga team owners na sina Raymund Yu at Terry Que.

Minabuti ng Rain or Shine na isantabi muna ang kanilang problema kay Lee upang hindi maapektuhan ang kanyang paglalaro para sa Gilas Pilipinas.

Bago umuwi ng Pinas, sinabi ni Lee na ang una niyang gagawin ay magtungo sa ensayo ng Elasto Painters para kausapin si Guiao.

Ngunit kahit ang anino ni Lee ay hindi nakita ni Guiao na naghintay rin sa kanya para matapos na ang isyu at makagawa na ng susunod na hakbang ang Painters.

May balitang hindi rin nakikipag-usap si Lee kina Belga at Jeff Chan, ang kanyang mga kakampi sa Rain or Shine, habang sila ay nasa Spain.

Nagsimula ang isyu nang tumawag si Lee kay Guiao habang nasa Spain na gusto niyang ma-trade sa ibang team.

ASIAN COATING

BEAU BELGA

ELASTO PAINTERS

GILAS PILIPINAS

GUIAO

JEFF CHAN

LAWRENCE CHONGSON

LEE

MAMERTO MONDRAGON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with