Rose isinama sa Team USA para sa FIBA World Cup
NEW YORK -- Pinanatili ng U.S. national basketball team si Derrick Rose, ngunit inilaglag naman si Damian Lillard at tatlong iba pa bago ang FIBA World Cup.
Inihulog mula sa training pool sina Kyle Korver, Gordon Hayward at Chandler Parsons matapos talunin ng Americans ang Puerto Rico, 112-86, sa kanilang huling exhibition game bago magtungo sa Spain.
Nauna nang inihayag ng mga team officials na posibleng magdala sila ng higit pa sa 12 players subalit sinabi ni coach Mike Krzyzewski na gusto niyang 12 lamang ang isama para sa World Cup.
Inasahan nang mapapabilang si Rose sa Team USA bagama’t hindi nakalaro sa nakaraang dalawang NBA seasons matapos ang dalawang knee surgeries.
Maliban kay Rose, ang iba pang nasa koponan para sa World Cup ay sina Stephen Curry, Anthony Davis, James Harden, Kyrie Irving, DeMarcus Cousins, Klay Thompson, Andre Drummond, Rudy Gay, DeMar DeRozan, Kenneth Faried at Mason Plumlee.
- Latest