^

PM Sports

JRU Heavy Bombers tangka ang ika-4 sunod na panalo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Wakasan ang kampanya sa first round bitbit ang apat na sunod na panalo ang tangka  ng  host Jose Rizal University Heavy Bombers sa pagpapatuloy ng 90th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Katipan ng Bombers ang nangungulelat na Mapua Cardinals sa ikalawang senior game matapos ang pagtutuos ng San Sebastian Stags at Emilio Aguinaldo College Generals sa ganap na ika-2 ng hapon.

Nasa ilalim ng standings sa 10 koponang liga ang Stags at Generals at ang tropa ni coach Topex Robinson ay may apat na sunod na kabiguan para sa 3-5 baraha habang nasa mas mababang 2-6 ang mga bataan ni coach Gerry Esplana.

Samantala, kinilala ng NCAA Press Corps sina Juneric Baloria ng Perpetual Help Altas at John Pinto ng Arellano Chiefs bilang Accel Quantum-3XVI Players of the Week matapos pangunahan ang kanilang mga koponan sa panalo sa mga asignatura noong nakaraang linggo.

Gumawa si Baloria ng tournament high na 32 puntos sa 85-82 panalo sa Letran Knights habang may 19 puntos at 5 rebounds si Pinto kasama ang game-winning follow-up sa 67-66 pana-naig sa St. Benilde Blazers para tanggapin ang citation na suportado rin ng Bactigel hand sanitizer, Doctor J Mighty Alcohol at Mighty Mom Anti-bacteria.

Huling tinalo ng Bombers ang Generals, 81-79, sa larong nakitaan ng maagang paglayo ng una ngunit kinailangang magpakatatag nang makabangon ang huli.

Nananalig si JRU coach Vergel Meneses na hindi magkukumpiyansa ang kanyang manlalaro lalo pa’t ang kalaban na Cardinals ang nasa huling puwesto sa 1-7 karta.

“Hindi namin sila puwedeng maliitin dahil walang mahina sa ligang ito,” wika ni Meneses.

Sina Philip Paniamogan at Michael Mabulac ang mga sasandalan sa kanilang karanasan pero makakatulong kung mapapanatili ng baguhang si Bernabe Teodoro ang magandang ipinakikita para masolo ng host school ang ikatlong puwesto.

Kasosyo ngayon ng Bombers sa puwesto ang Perpetual Help Altas habang nasa una ang four-time defending champion San Beda Red Lions sa 7-1 baraha at kapos ng kalahating laro ang Arellano Chiefs sa 7-2  karta. (AT)

ACCEL QUANTUM

ARELLANO CHIEFS

BERNABE TEODORO

DOCTOR J MIGHTY ALCOHOL

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

GERRY ESPLANA

JOHN PINTO

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

JUNERIC BALORIA

PERPETUAL HELP ALTAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with