^

PM Sports

UP nakatikim ng panalo: FEU ipinagkait ang No. 1 spot sa NU

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagwakas ang halos dalawang taon na kamalasan ng UP Maroons sa kinuhang 77-64 panalo sa Adamson Falcons sa 77th UAAP men’s basketball kahapon sa Mall  of Asia Arena sa Pasay City.

Gumawa ng career highs sina Mikee Reyes at JR Gallarza sa kanilang 28 at 24 puntos para sa Maroons na gumamit ng malalaking scoring runs upang iwanan ang Falcons.

Ang 12-0 bomba na pinagtulungan nina Reyes at Gallarza ang nagbigay sa UP ng kanilang pinakamalaking kalamangan na 24 puntos, 60-36, para ta­pusin ang 27-game losing skid.

Hindi na nakabangon pa ang Adamson.

Noong Agosto 19, 2012 huling nagwagi ang Ma­roons kontra sa UE Red Warriors, 63-48.

Hindi nakasama sa ma­­kasaysayang panalo si coach Rey Madrid dahil sa sinilbihang two-game sus­pension ma­tapos aku­sa­han ang officials ng ‘point sha­ving’.

Binigo naman ng FEU Tamaraws ang hinangad na unang puwestong pagtatapos ng National Universi­ty Bulldogs sa bisa ng 71-62 panalo sa ikalawang laro.

May career-high na 16 puntos si Carl Cruz mula sa 5-of-11 shooting para pu­nuan ang mahinang la­ro ni Mark Belo na may season low na 9 puntos.

Si Archie Iñigo ay nag­hatid ng 14 puntos at hindi sumablay sa apat na pukol sa 3-point line, habang may 10 puntos si Mike Tolomia.

Si Cruz ang siyang nakitaan agad ng  malakas na panimula nang ibinagsak ang 11 sa kanyang pun­tos para bigyan ang FEU ng 42-22 abante.

Malamig ang laro ng Bulldogs dahil si Gelo Alo­lino lamang ang nasa double digits para sa ko­po­nan sa kanyang 13 puntos para sa kanilang ikalawang pagkatalo.

UP 77 – Reyes 28, Gallarza 24, Lao 10, Juruena 4, Asilum 4, Gingerich 2, Mo­ralde 2, Lim 2, Amar 1, Vito 0, Harris 0.

Adamson 64 – Trollano 24, Rios 20, Monteclaro 5, Na­los 4, Villanueva 3, Iñigo 3, Ochea 2, Baytan 2, Polican 1, Barrera 0, Garcia 0, Aquino 0, Pedrosa 0.

Quarterscores: 19-13; 42-32; 66-46; 77-64.

FEU 71 – Cruz 16, Iñigo 14, Tolomia 10, Belo 9, Po­goy 6, Jose 6, Hargrove 5, Tamsi 5, Ru. Escoto 0, Dennison 0, Delfinado 0, Ugsang 0.

NU 62 – Alolino 13, Kho­buntin 9, Javelona 8, Di­putado 7, Betayene 7, Ro­sario 6, Neypes 6, Aroga 4, Atangan 2, Alejandro 0, Perez 0, Celda 0.

Quarterscores: 21-16; 42-22; 55-42; 71-62.

 

ADAMSON

ADAMSON FALCONS

ASIA ARENA

CARL CRUZ

GALLARZA

GELO ALO

MARK BELO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with