^

PM Sports

Maaksiyong triple bill sa Shakey’s V-League bukas

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong bigating laro ang itatampok bukas sa quarterfinal round ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference.

Mag-uunahan sa solo liderato ang PLDT Home Telpad at ang Philippine Army, habang target ng Ateneo ang kanilang pa-ngatlong sunod na panalo sa quarterfinals sa The Arena sa San Juan.

Lalabanan ng Po-wer Attackers ang Air Force Raiders sa alas-2 ng hapon kasunod ang pagharap ng Lady Troopers sa National University Lady Bulldogs sa alas-4.

Tinalo ng PLDT ang Air Force, nanggaling sa pagkatalo sa Ateneo, sa eliminasyon noong Hul-yo 24.

Sa ikatlong laro sa alas-6 ng gabi ay magla-laban naman ng Lady Eagles at ang nagdedepensang Cagayan Valley Rising Suns.

Magkasalo sa unahan ang PLDT at ang Army kasunod ang Cagayan at ang Air Force, habang lumakas ang tsansa ng Ateneo sa semifinals matapos magposte ng dalawang sunod na panalo sa quarters.

Para makahirit ng playoff sa semis, kailangan ng Lady Eagles, ang UAAP champions, na walisin ang kanilang huling tatlong laro at ipanalangin na hindi makakuha ng pitong panalo ang Raiders sa mid-season conference ng ligang itinataguyod ng Shakey’s at suportado ng Mikasa at Accel.

Bagama’t may 3-6 baraha ang Lady Bulldogs ay may paga-asa pa rin silang makapuwersa ng playoff para sa ikaapat na semis seat.

Kailangan ng NU na mawalis ang kanilang huling tatlong laban at ipagdasal na hindi uma-bot sa anim na panalo ang Air Force at Ateneo.

Sa semis, lalabanan ng No. 1 ang No. 4 team at sasagupain ng No. 2 ang No. 3 sa dalawang pares na best-of-three semis. (RC)

vuukle comment

AIR FORCE

AIR FORCE RAIDERS

ATENEO

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

HOME TELPAD

LADY BULLDOGS

LADY EAGLES

LADY TROOPERS

NATIONAL UNIVERSITY LADY BULLDOGS

OPEN CONFERENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with